BEEF SPARERIBS with Curry Sauce


Hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko sa 1 kilo ng Beef Spareribs na nabili ko. Kung nilaga naman, kakatapos lang naming mag-nilagang baboy nitong isang araw. Kung with tomato sauce naman, kakatapos din lang namin dun sa arroz ala cubana. Nung i-check ko ang aking fridge at lagayan ng mga spices, nakita ko yung natira pang curry powder na ginamit ko sa chicken nung minsang nagluto ako ng chicken curry. Sa loob ko, why not Beef Curry? At ito nga ang kinalabasan ng aking beef....hehehehe. And I tell you, first time ko lang magluto ng ganito per ang sarap talaga. Tamang-tama lang yung anghang ng curry powder...kahit nga yung mga anak hindi na-anghangan. Masarap talaga....try nyo.


BEEF SPARERIBS with Curry Sauce

Mga Sangkap:

1 kilo Beef spareribs (or kahit yung laman)

3 medium size potato quartered

1 large green or red bell pepper cut into cubes

1 large carrots cut into cubes also

1 small can Alaska Evap (yung red ang label)

2 tbsp. curry powder

salt and pepper

Maggie Magic Sarap (syempre...hehehehe)

butter

3 cloves minced garlic

1 medium onion chopped


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.

2. Ilagay ang beef spareribs....timplahan ng asin at paminta....lagyan ng tubig at takpan. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

3. Kung malambot na, ilagay ang patatas, carrots at red or green bell pepper.

4. Ilagay na din ang curry powder. Halu-haluin

5. Kung luto na ang patatas, ilagay ang alaska evap at maggie magic sarap. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

Ihain habang mainit. Pero mas masarap itong kainin sa kinabukasan na. mas na-absorb na kasi ng karne yung mga spices lalo na ang curry.

Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
i think hindi naman ma anghang ang curry powder,ma anghang ba?
kala ko parang herb lang siya or spice na pampalasa but not hot..
ewan ko lang din kasi matagal na rin akong nakaluto ng chicken curry..hahahaha,,
nakalimutan ko na ang taste niya..
Siguro kaunti ka lang mag-lagay....hehehehe....Sa recipe kong ito dinagdagan ko talaga ng curry powder...mas gusto ng wife ko na medyo maanghang. Kaya eto nga tamang tama lang ang anghang.

Hindi ko alam...meron atang ibang klase na masyado ang anghang.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE