ALIGUE RICE with BASIL


Mula nung mag-umpisa akong mag-food blogging, naging challenge sa akin ang pang-araw-araw naming kinakain. Ofcourse, bukod sa gusto kong makakain at mapakain ng masarap ang pamilya ko, gusto ko rin naman na mai-share ito sa inyo sa araw-araw. Di ba araw-araw naman talaga may bagong posting ako? Hehehehe. Kaya naman sa bawat pagkakataon na nagluluto ako, nagiisip ako ng bago o kakaiba. Kahit na ordinaryong lutuin kung baga nilalagyan ko ng twist o kaunting eksperimento.

Katulad ng entry natin for today. Nai-post ko na ito with the title 'Talangkanin (Aligue Rice)'. Masarap naman talaga ito. Pwede mo nga itong kainin kahit walang ulam. Hindi kagaya nung unang recipe na may hipon pa akong inilagay, in this version, wala itong hipon. Instead, chopped fresh basil leaves ang inilagay ko at scrambled egg lang. Masarap pa rin ang kinalabasan. Pwedeng ipagmalaki sa ating mga bisita at kaibigan.


ALIGUE RICE with BASIL

Mga Sangkap:

6 cups of cooked rice (Jasmin rice ang ginamit ko dito)

1/2 cup Taba ng Talangka (Yung nabibili sa supermarket na naka bote ang ginamit ko dito)

1/2 cup chopped fresh basil leaves

1 head minced garlic

2 eggs beaten

maggie magic sarap

salt and pepper

2 tbsp. sesame oil

5 pcs. calamansi


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan maglagay ng kaunting sesame oil

2. I-prito dito ang binating itlog. Ikalat ang itlog sa buong kawali para manipis ang lutong kalabasan. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa kaparehong kawali, maglagay na muli ng sesame oil at igisa ang bawang hanggang mag-golden brown

4. Ilagay ang taba ng talangka at lagyan ng 1/2 cup na tubig. Halu-haluin

5. Ilagay na din ang chopped fresh basil leaves at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan kumulo

6. Ilagay na ang kanin at halu-haluin hanggang sa pantay na ang kulay nito.

7. Ibuhos ang katas ng calamansi at halu-haluing muli.

8. Tikman at i-adjust ang lasa

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng ginayat na scambled egg.



Ihain habang mainit.



Enjoy cooking!!!!

Comments

Cool Fern said…
so sarap nito talaga..
di ba meron ka ng na post nito noon?
Yup....pero itong version na ito walang hipon at nilagyan ko naman ng chopped fresh basil leaves. Masarap ito talaga.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE