PORK STRIPS in BARBEQUE Sauce



Ang barbeque ang isang pagkain na hindi mawawala sa mga espesyal na mga okasyon. Kung pasko o kaya naman bagong taon, hit na hit ang barbeque. Mapa-baboy man ito o manok, siguradong ubos pag ito ang iyong inihanda. Gustong-gusto natin itong pinapapak lang o kaya naman ulam na rin sa kanin. Masarap magluto nito sa mga picnic or camping. Kung baga, enjoy mag-ihaw ng pagkaing ito.

Narito ang isang recipe na madali lang lutuin. Kung may tira-tira kayong barbeque, pwede nyong gawin ito. Yun lang ay kung matitira pa....hehehehe


PORK STRIPS in BARBEQUE Sauce


Mga Sangkap:


1 kilo Pork Liempo

1 cup Mama Sitas barbeque sauce

6 pcs. calamansi

1 head minced garlic

1 tsp. ground pepper

1/2 cup brown sugar

1/2 cup soy sauce

1 tbsp. cornstarch



Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang pork liempo sa lahat ng sangkap. Mas matagal mas mainam. Overnight is the best.

2. I-ihaw o i-pan grilled ang liempo. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Kung malamig na, hiwain ito ng mga 1/2 inch o ayon sa gusto nyong laki.

4. Sa isang kawali, ilagay ang hiniwang liempo at ibuhos dito ang pinagbabadan o ang marinade mix

5. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.

6. Maaring lagyan pa ng barbeque sauce, paminta, brown sugar at soy sauce ayon sa inyong panlasa.

7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

Ihain habang mainit.



Note: Pwede ding lagyan ng ginayat na siling pang-sigang para mas umanghang pa ang sauce. Masarap ito na ulam at pulutan na din sa mga nag-iinuman. Hehehehehe.



Enjoy!

Comments

momcancook said…
Hello! Ito ang niluto kong baon ng kids ko for today pero tinikman din nila nung breakfast kahit may niluto akong bacon at masarap daw..lalong mapaparami ang kanin pag ito ang ulam. Ang ginamit ko para dito ay yung menudo cut pork para di na ako mag slice. Salamat sa mga recipe postings mo...madami na akong ideas para sa pambaon mahirap kasi mag-isip. God bless you & your family!
Thanks momcancook....natutuwanaman ako at nagugustuhan mo at ng mga anak mo ang mga recipe ko dito sa blog na ito. Asahan mo na magpapatuloy ako sa food blog kong ito...at marami pang susunod. Keep on visiting and sharing this site.

DEnnis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE