STIR FRIED PORK with VEGETABLES


Last Sunday na mag-grocery ako, may nakitang akong magandang bacon cut na baboy sa SM supermarket sa Makati. Naiisip ko, parang masarap isahog ito sa sari-saring gulay. Sabagay, matagal na din naman kaming hindi nakaka-kain ng gulay, kaya naman bumili ako nito ng 1/2 kilo. Alam nyo ang sarap pala nitong isahog sa gulay. Komo nga siguro maninipis ang hiwa nito, talagang lumalabas ang flavor ng karne sa niluluto. Try nyo ito, masarap talaga. Sabagay, ano ba naman ang hindi sasarap kapag nilagyan mo ng oyster sauce. Hehehehe.


STIR FRIED PORK with VEGETABLES

Mga Sangkap:

500 grams Bacon cut pork (hiwain ng mga 1 inch ang lapad)

1 large carrot cut into strip

1 large sayote cut into strip

100 grams baguio beans cut into 1 inch long

1/2 cup oyster sauce

1 tbsp sugar

1 medium size red onion chopped

3 cloves minced garlic

3 tbsp. sesame oil

salt and pepper


Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang karne

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang karne sa kaunting sesame oil. Hayaang pumula ng bahagya.

3. Itabi sa gilid ng kawali ang karne at igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.

4. Lagyan ng mga 1 tasang tubig at hayaang kumulo hanggang sa lumambot at maluto ang karne

5. Ilagay una ang carrots at baguio beans. Halu-haluin

6. Sunod na ilagay ang sayote at oyster sauce. Hayaang maluto ng mga 2 minuto

7. Timplahan pa ng asin, paminta at asukal ayon sa inyong panlasa.

8. Patakan pa ng mga ilang drops ng sesame oil.


Ihain habang mainit.


Enjoy cooking!!!!!

Comments

Cool Fern said…
sarap nito,dennis..
lagi akong nagluluto nito...
Cool Fern said…
mas masarap din kung merong cabbage...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE