HERBED FRIED CHICKEN



Ang galing talaga ng Internet. Bukod sa marami kang matutunan dito ay nagiging daan din ito para magka-ugnay muli ang mga magkakapamilya at magkakaibigan. Kung naghahanap ka din ng mga recipe ang dali lang makahanap dito.

Last Saturday, nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-chat sa YM ang asawa ng dati kong kasamahan sa trabaho na si Mareng Olive. Asawa siya ng kumpare kong si Pareng Chito na naka-trabaho ko sa AMA Meycauayan. Matagal na kaming hindi nagkikita ng mga kaibigan kong ito. Siguro mga 8 taon na na hindi kami nagkikita.

Yun nga nagka-chat kami at isa sa napag-usapan namin ay itong munti kong food blog. Nabanggit di niya na na nasubukan na din niya ang mga ilan sa recipe ko at isa sa mga na-try niya ay yung cripsy chicken with curry powder. Nagustuhan naman daw ng anak niyang si Hubert ang luto dahil mahilig ito sa fried chicken. Ang bata nga palang ito ay inaanak ko. Tagal na din kaming hindi nagkikita at malaki na ang utang ko sa batang ito. At yun nga, komo mahilig pala sa fried chicken ang inaanak ko, eto ang isa pang recipe ng fried chicken at alam kong magugustuhan niya. Para sa inaaanak kong si Hubert ang posting kong ito. Try mo ito Mare...



HERBED FRIED CHICKEN


Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Thigh

6 pcs. Calamansi

1 tbsp. dried basil leaves

1 tbsp. dried rosemary

1 tsp. dried oregano

1 8g sachet maggie magic sarap

1 tsp. ground pepper

1 tbsp. salt

1 cup flour

cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, dried basil, dried rosemary, dried oregano, katas ng calamansi at maggie magic sarap. Overnight o mas matagal mas mainam. Dito sa niluto ko 2 days ko siya binabad.

2. Kung lulutuin na, i-drain ang katas sa binabad na manok.

3. Sa isang medyo malaking plastic o grocery bag, ilagay ang harina at maggie magic sarap.

4. Ilagay dito ang mga manok... lagyan ng konting hangin ang loob ng plastic... i-close at alug-alugin para ma-lagyan ng harina ang manok.

5. Sa kumukulong mantika, i-prito ang manok hanggan sa mag-golden brown ang kulay. Huwag masyadong malakas ang apoy para hindi agad masunog ang balat at hilaw pa ang loob ng manok.

6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Pwedeng lagyan ng pritong patatas for garnish.

Ihain na may kasamang catsup or home made gravy.

Enjoy!!!!

Comments

Cool Fern said…
masarap din,dennis,kung sweet potatoes.i mean yong camote..gawin mong sweet potato fries ang gamitin dito instead of patatas...
Pwede din...parang yung sa Max restaujrant camote ang ginagamit.


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE