BABY BACK RIBS in HONEY-BARBEQUE SAUCE


Nitong nakaraang araw ni-request ng panganay kong si Jake na magluto daw ako ng barbeque spareribs. Remember ito din yung ni-request niya nung nag-birthday siya? Kaya eto, nitong nakaraang wedding anniversary namin, ito ang niluto ko. Solve na solve ang mga bata, ofcourse pati na din kami....hehehehe.
Bago ko ito niluto pinagiisipan ko kung papalambutin ko muna ito sa marinade mix o directly lulutuin ko na agad sa turbo broiler. Nanaig na lutuin ko na agad sa turbo broiler. Una, wala na akong time para palambutin pa ang karne at pangalawa baka ma-dry ang karne kung double cooking ang gagawin. Yun nga diretsong luto na sa turbo. Okay naman ang lasa...yun lang medyo may laban kapag kinakain na. hehehehe .

Hinati ko yung spareribs na nabili ko na iyon. Yung isang batch siguro palambutin ko muna bago i-turbo. We will see kung ano ang mas masarap.


BABY BACK RIBS in HONEY-BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
2 slabs (abount a kilo) Baby back ribs

2 tbsp. rock salt

1 tsp. freshly ground black pepper

1/2 cup Worcestershire Sauce

1 head minced garlic

1/2 cup Hunts Barbeque Sauce


Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng asin, paminta, bawang at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 15 minuto. Mas matagal ma mainam.

2. Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa init na 350 degrees.

3. Kung malapit ng maluto ang karne saka ito i-brush ng barbeque sauce. Gawin ito hanggang sa tuluyang maluto ang karne.

Ihain ito habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
palagi akong nagluluto nito dito,dennis..pinapalambot ko muna bago i bbq..
i bake it in the oven for an hour and a half..
Dalawang version ang ginawa ko d2...ipo-post ko pala lang yung pinalambot muna.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE