BABY BACK RIBS with HONEY-BARBEQUE SAUCE Ver. 2


Narito ang version 2 ng Baby back ribs na niluto nitong isang araw. Ang pagkakaiba lang ng version 2 na ito ay pinalambot ko muna ito sa bawang ng worcestershire sauce. At nung lumambot na ang karne ay saka ko ito nilutong muli sa turbo broiler. Alin ang mas masarap? Actually, pareho lang. Lamang lang ng kaunti ang ersion 2....hehehehe. Masarap kasi at nanunuot ang linamnam sa karne.

BABY BACK RIBS with HONEY-BARBEQUE SAUCE Ver. 2

Mga Sangkap:
2 slabs (abount a kilo) Baby back ribs
2 tbsp. rock salt
1 tsp. freshly ground black pepper
1/2 cup Worcestershire Sauce
1 head minced garlic
1/2 cup Hunts Barbeque Sauce
1/2 cup Pure Honey bee
4 cups of water

Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang karne ng asin, paminta, bawang at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 15 minuto. Mas matagal ma mainam.

2. Ilagay sa isang kaserola atlagyan ng mga 4 na tasang tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

3. Hanguin at lutuin naman sa turbo broiler sa init na 350 degrees.
4. From time to time i-brush ang karne ng pinaghalong honey bee at barbeque sauce. Gawin ito hanggang sa tuluyang maluto ang karne.
Ihain ito habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
i use sprite or seven up in mine..no water
Tama ka dyan......ang nasa isip ko lang kasi ay yung mapalambot yung karne....yung flavor dun na sa honey at barbeque sauce manggagaling.

Thanks my friend....

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)