CANNED MACKEREL with MISUA


Here's another comfort food para sa inyong lahat. Na hindi lang madaling lutuin, matipid pa. Pero hindi sa lasa ha. Ito yung ipinares ko sa baby back ribs na niluto ko the other night.

Masasabi ko na napaka-tipid ng dish na ito. Less than P100 ay mayroon na kayong ulam na good for 3 to 5 person. Ang tip dito ay ang paggamit ng extender na lagi kong sinasabi. Ang mainam pa dito malasa talaga ito. Sabaw pa lang ay pwede nang iulam. Ayos na ayos ito sa mainit na kanin. Try nyo ito. Masarap talaga.

CANNED MACKEREL with MISUA


Mga Sangkap:

1 big can Mackerel

1 pc. Misua

2 tangkay na leaks chopped (paghiwalayin yung white at green parts)

1 potato diced

3 cloves minced garlic

salt and pepper to taste



Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at yung white part ng leaks sa kaunting mantika. halu-haluin

2. Ilagay ang patatas at sabaw ng canned macarel at lagyan ng mga 4 na tasang tubig. Hintaying kumulo.

3. Kapag kumulo na, ilagay ang mackerel at misua. Haluin ng kaunti

4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

5. Hayaan kumulo pa hanggang sa maluto ang misua.

6. Ilagay ang green part ng leaks bago ihain.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!


Note: Pwede ding sotanghon ang ilagay nyo na noodles.

Comments

cool fern said…
naku.palagi ko rin 'tong niluluto noon jan,dennis..in fact sardinas kung minsan ang nilalagay ko instead of mackerel at nilalagyan ko ng cabbage para dumami dami naman ng konti..hahaha
Correct! Ang tipid di ba? hehehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE