FISH CURRY



Ang curry powder ay isang sangkap na inilalagay sa mga pagkain na pangkaraniwang nakikita sa Asian Region lalo na sa parteng India at sa ating mga karatig na bansa. Isa itong sangkap ng pinahalo-halong spices na talaga namang nagpapasarap sa pagkain. Dito sa atin sa Pilipinas, pangkaraniwang ginagamit natin ito sa Chicken curry.
May entry na ako for Chicken curry. This time naman ginamit ko ang curry powder sa fish fillet. Pareh lang halos sa ibang mga sangkap at paraan ng pagluluto maliban lamang sa isda ang pangunahing sangkap nito.
Try nyo ito. Masarap atg kakaiba.


FISH CURRY

Mga Sangkap:

750 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito) - Hiwain ng pahaba

1 cup Flour

6 pcs. calamansi

salt and pepper to taste

Maggie magic sarap (optional)

1 tsp. curry powder

1 cup Alaska evap (red label)

1 large Potato hiwain ng pa-cube

1 red bell pepper hiwain din ng pa-cube

2 tangkay ng Celery

1 oniopn chopped

3 cloves minced garlic

1 thumb size grated ginger

1 tsp. corn starch

Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi. hayaan muna ng mga 30 minuto.

2. Ilagay ang fish fillet sa isang plastic bag (huwag isama ang katas ng calamkansi) at ilagaya ang harina. Lagyan ng hangin ang lob ng plastic bag at isara. Alug-alugin dito ang fish fillet para ma-coat ito ng harina.

3. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.

4. Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

5. Ilagay ang patatas at lagyan ng 2 tasang tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumabot ang patatas.

6. Ilagay na ang celery, red bell pepper at curry powder. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

7. Ilalagay ang gatas at isunod na ang nilutong fish fillet. Halu-haluin

8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

9. Tikman at i-adjust ang lasa.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
ohhh wow..ang alam ko lang is chicken curry...masubukan nga eto..tenks,dennis
OO common sa atin sa pinas yung chicken curry....May nabasa lang ako sa isang malaysian food blog din about this fish with curry...so ayun. Masarap ito...medyo spicy lang ng konti.
Anonymous said…
my kids will love this. fish curry is one dish na love namin from SG.- behavedlady

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)