HONEY GLAZED CHICKEN WINGS


Another simple dish ang entry natin for today. Natutuwa nga ako at puring-puri ito ng asawa kong si Jolly. Tinawagan pa nga niya ako sa office ko just to say na masarap yung chicken wings. Hehehehe. At wag ka, kahit ang mga bata yun din ang sinabi, masarap daw yung chicken.

I think the key there is the quality of honey na gagamitin and the timing ng pagluluto. I mean kung kailan mo ilalagay yung honey. Otherwise, baka masunog ang niluluto mo.

Try nyo ito. Okay na okay ito na pambaon sa office o sa school man. Easy to cook, easy to prepare. Parang yung pork strips na niluto ko na may pineapple juice at honey din?



HONEY GLAZED CHICKEN WINGS

Mga Sangkap:


10 pcs. Chicken wings


1 large White onion julien


4 cloves minced garlic


2 tbsp. Worcestershire sauce


1/2 cup Soy Sauce


1 cup Pure Honey bee


salt and pepper to taste



Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 15 minuto.


2. Sa isang non-stick pan o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.


3. Ilagay ang manok. Hayaan ng hanggang sa pumula ng kaunti ang manok.

4. Ilagay ang toyo at 2 tasang tubig. Takpan hanggang sa maluto ang manok at kumonte ang sauce.

5. Kung malapit ng matuyo ang sauce, ilagay ang honey. Hinaan ang apoy. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.


Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
i'll try this someday..
Madali lang ito.....masarap pa.
cool fern said…
di ba masyado namang matamis kung 1 cup honey?
Hindi yung cup na timplahan ng kape ang ginagamit ko,.....hehehe...Actually, medyo matamis nga ito...you may adjust naman....hehehe
watchtower said…
pwede bang instead of honey eh pineapple juice gamitin ko tapos dadagdagan ko na rin siya ng pineapple chunks.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE