DOUBLE CHEESE BAKED POTATO


Matagal na din akong hindi nakaka-kain sa Wendy's Hamburger Retaurant. Nung binata pa kasi ako, madalas kaming kumain dito ng aking mga kaibigan. Ang lagi naming ino-order dito ay yung salad bar. Talaga naman ingat na ingat kami sa pagkakamada ng mga sangkap para masulit yung ibinayad namin....hehehehe.
Isa pa sa mga paborito kong kainin dito ay yung mga baked potato nila na may ibat-ibang klaseng toppings. Ofcourse ang pina-paborito ko dito ay yung double cheese with bacon bits.
Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay may mga ganito pa sa Wendy's. Kaya naman nitong isang araw, sinubukan kong magluto nito for my afternoon snack.
Walang exact na recipe para dito. Nasa sa inyo na lang kung gaano karami at kung ano ang gusto nyong ilagay na toppings.
Isa pa, sa microwave oven ko ito niluto. Kung may oven or turbo broiler ok lang.
Try it! Magugustuhan ito ng mga bata just like my son Anton.


DOUBLE CHEESE BAKED POTATO

Mga Sangkap:
1 extra large Potato
1 tbsp. Butter
1 tbsp. Cheese Wiz
1 tbsp. grated Cheese
1 tsp. Mayonaise
1/4 tsp. freshly ground pepper
1 slice cooked ham - chopped

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang microwaveable dish, maglagay ng 1/2 tasang tubig at ilagay dito ang hinugasang mabuti na patatas.
2. Isalang ito sa microwave at lutuin sa loob ng 5 to 6 na minuto.
3. Kung luto na, hanguin at hiwaan ng pa-cross sa ibabaw ang papatas.
4. Pisilin sa magkabilang gilid ang patatas para lumabas ng kaunti ang laman nito.
5. Ilagay ang butter, cheese wiz, ground pepper, grated cheese at chopped ham sa ibabaw ng papatas.
6. Ilagay ang mayonaise sa pinaka-ibabaw to finish.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE