CHICKEN and BACON CARBONARA


Last April 9 komo holiday at walang pasok sa opisina, we decided to treat our children sa Richmonde Hotel sa Ortigas (Pictures sa mga susunod ko na post). Nga pala, gift check ang ginamit namin dito na prize ko pa last December for my 10 years service award sa aking compnay na Megaworld. And ofcourse plus a big discount courtesy of Rommel QuiƱones. hehehehe.
Ano ang kinalaman nito sa entry natin for today? Well, para naman hindi masyadong magastos, nagluto na lang ako ng dinner na kakainin namin sa hotel. At ito ngang pasta dish na ito at isa pang very common na chicken dish ang ang ginawa.
May entry na ako sa archive for carbonara. But this time, ginaya ko yung bago ng Greenwich na chicken and bacon carbonara. But this is my own version and recipe. Try nyo ito. Talaga namang nagustuhan ng pamilya ko ito.


CHICKEN and BACON CARBONARA

Mga sangkap:
500 grams Spaghetti pasta cooked according to directions
1 whole chicken breast fillet
250 grams Bacon chopped
1 tetra brick All Purpose cream
5 cloved mionced garlic
1 large White onion chopped
1 cup grated cheese
1/2 cup butter
1 tsp. dried basil
salt ang pepper to taste
4 pcs. calamansi
1 tsp. Maggie magic sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa usang non-stick pan i-prito ang manok sa butter hanggang sa maluto at pumula ang balat. Hanguin sa isang lalagyan. Lung lumamig na hiwain na maliliit o pa-cubes.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang bacon hanggang sa pumula. Hanguin ang kalhati sa isang lalagyan para pang toppings.
4. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
5. Ilagay ang All purpose cream at timplahan ng dried basil. Timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan. Hintaying kumulo
6. Ilagay ang nilutong spaghetti pasta. Ilagay na din ang kalhati ng grated cheese at kalhati ng nilutong manok. Haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng natira pang bacon, grated cheese at chicken fillet sa ibabaw.

Ihain na may kasamang toasted or garlic bread.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE