FISH FILLET IN CREAMY WHITE and VEGETABLES SAUCE

HAPPY EASTER!!!! o Maligayang pasko ng Pagkabuhay sa lahat. Ilang araw din na wala akong posting na recipe dito sa ating munting tambayan. Syempre, katulad ng marami sa ating mga Filipino, tayo naman ay nangilin sa mga Mahal n Araw. Sa Batangas kami ng aking pamilya nangilin at nagbakasyon na din. Pero syempre, gusto ko ring i-share sa inyo ang mga kinain namin dun. At ito ngang entry natin na ito for today ang gusto kong pang bwena-mano para buwan ng Abril.

Fish Fillet with Creamy White and Vegetables Sauce. Actualy, may posting na ako na parang ganito din. Yun lang ito yung improved version. Nilagyan ko ng mixed vegetables ang sauce to make it more appetizing. Also, nag-double breadings ako para mas maging crispy yung fish fillet.

Also, instead of an evaporated milk na lagi kong ginagamit sa aking mga white sauce, all purpose cream naman ang ginamit ko dito. Winner talaga. Sauce pa lang ay ulam na ulam na.

Para naman sa side dish, gumawa lang ako ng ensaladang mangga na may kamatis at lettuce na may experimental na dressing. Abangan nyo na lang yung separate na posting ko para dito.

Ang resulta? Lahat nasiyahan. hehehehe. Yun lang parang nabitin sila sa fish fillet. Kasi hindi ko in-expect na marami palang bisita dun sa bahay ng biyenan ko. Napagkasya naman at lahat ay nasiyahan. Ito pala ang inulam namin ng lunch ng Biyernes Santo.


FISH FILLET IN CREAMY WHITE and VEGETABLES SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito)
8 pcs. Calamansi
Salt and pepper to taste
1 cup Flour
1 egg
1 tsp. Maggie magic sarap
1/2 cup flour mix with 1 cup of water
cooking oil for frying
For the Sauce:
1 cup Mix vegetables (Green peas, corn and carrots)
1 tetra brick All Puropose cream
6 cloves minced garlic
1/2 cup butter
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang isda ayon sa nais na laki. Note: Mas mainam na hiwain ito na frozen para hindi madurod ang laman ng isda.
2. I-marinade ito sa asin, paminta, katas ng calamansi at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang plastic bag, ilagay ang mga fish fillet at harina. Lagyan ng kaunting hangin ang loob ng plastic bag, isara at alug-alugin ang laman hanggang sa ma-coat ang isda ng harina.
4. Sa isang bowl naman, paghaluin ang harina, itlog at kaunting tubig. Maaring timplahan ng kaunting asin at paminta ang batter.
5. Ilubog dito ang fish fillet na binalutan ng harina at saka i-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika.
For the sauce:
a. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang bawang.
b. Sunod na ilagay ang mix vegetables at halu-haluin.
c. Ilagay na ang all pupose cream. halu-haluin
d. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
e. Hintaying kumulo at saka i-serve kasama ng fish fillet.
To serve, lagyan lang ng sauce ang piniritong fish fillet katulad ng nakikita nyo sa larawan.
Enjoy!!!!

Comments

isang maybahay said…
mukhang masarap nga ang sauce mo, sir! Susubukan ko ito! :-)
cool fern said…
winner 'to,dennis..
dito ang partner niya is french fries ..pag omorder ka nito dito is fish and chips ang tawag..
Sinabi mo....hehehe...konti lang nga ang nakain ko nito...ubos sa mga tumikim...hehehehe
sally said…
This comment has been removed by the author.
sally said…
what butter did you use for fish fillet and sauce ,,was it star margarine? kc i will try to cook on weekend to taste ,,sa pic pa lng rapsa ..thanks
Any brand of butter will do. Kung margarine naman, okay ang Dari-cream.

Thanks Sally


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE