FLORES REUNION 2010

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang tradisyon na ito ng pamilya Flores ng asawa kong si Jolly. Basta ang alam ko mula nung mag-asawa kami and that was 12 years ago ay taun-taon kaming dumadalo sa reunion na ito.


Every year naghahalal sila o nagtotoka ng magiging pangulo o mamumuno sa susunod na taon na reunion. Ang maganda naman dito ay sinusuportahan ang nahalal ng kanilang mga kamag-anak sa anumang gastusin para sa reunion.



Sa ilog na pag-aari ng Lolo Ente ginaganap ang reunion na ito. Dito na rin niluluto ang mga pagkain na inihahanda dito.

Huwebes Santo pa lang ay nililinis na ang ilog na ito para sa pagtitipon na gagawin. Nangunguna ang mga kalalakihan sa paglilinis ng ilog.

Ang nakakatuwa, taun-taun ay parami ng parami ang dumadalo sa reunion na ito. Nasa larawan sa itaas ang aking asawang si Jolly at ang kamag-anak niya na si Ate Ineng.


Me, Jolly and Ate Mokring enjoying the food na inihanda sa reunion. Ang mga anak ko? nandun sa bandang dulo ng ilog. Enjoy na enjoy sa paliligo. Hehehehehe


Naging tradisyon na din ang pahiran ng uling pagkatapos ng kainan at ng mga palaro. Basaan o buhusan ng tubig ay parte din ng tradisyon.


From right: Toni pamangkin ng asawa ko, ang bilas ko na si Ate Azon, Ako, ang anak ni Ate Azon na si Joel at ang kanyang asawa na si Joanna. You see? lahat may uling sa mukha.

From left: Ate Pina, Ate Azon, Toni, Annaat ang aming kaibigan na si Jorina.

Dalangin ko ang patuloy na pagmamahalan at pagbubuklod ng pamilyang Flores na akoy naging kabahagi na din.
See you next year!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE