LEMON FRIED CHICKEN


Ito yung isa sa dalawang dish na niluto ko na dinala namin sa Richmonde Hotel for our dinner. Nung una hindi ko sana ipo-post ang recipe ng dish na ito pero nung ma-check ko ang archive, wala pa naman pala akong entry na ganito. Although, marami na akong fried chicken recipe masarap talaga ang isang ito. Try it!


LEMON FRIED CHICKEN


Mga Sangkap:
5 pcs. Chicken legs (Cut into drumstick and thigh part)
1 Lemon (Gadgarin yung balat para makuha yung lemon zest)
3 cups Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking oil

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa katas ng lemon, lemon zest, asin, paminta at Maggie magic sarap. Hayaan ng mg 30 minuto. Overnight mas mainam. Ilagay sa pinakamalamig na part ng freezer.
2. Sa isang zipblock o plastic bag, ilagay ang harina at minarinade na manok. Alug-alugin hanggang sa ma-coat lahat ng harina ang manok.
3. Ilagay muli sa freezer at hayan ng mga 30 minuto.
4. Magpakulo ng mantika sa kawali. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika o lubog dapat ang manok na pi-prituhin.
5. Alug-alugin muli ang manok sa harina at saka i-prito sa kumukulong mantika.
6. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.

Ihain kasama ang inyong paboritong gravy o kaya naman ay banana catsup.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE