MANGO PUDDING


Ang mango pudding ang isa sa mga poborito kong dessert kapag kumakain kami sa isang chinese restaurant. Masarap kasi ito at talaga namang nakakatanggal ng umay lalo na kung marami kang nakain na ulam.

Komo panahon ng mangga ngayon, naisipan kong gumawa din nito at nang mas lalo kong ma-enjoy ang sarap ng dessert na ito.

Madali lang itong gawin....mix mix lang at tapos na. Ang pinaka-key sa dessert na ito ay yung klase ng mangga na gagamitin. Dapat yung fresh at matamis talaga. Otherwise mapapdami ang asukal na gagamitin mo.

Try nyo ito..tiyak kong magugustuhan ng mga kids lalo na ngayong summer.




MANGO PUDDING
Mga Sangkap:

1 Sachet Yellow color Gulaman powder (Mr. Gulaman brand ang ginamit ko)

1 tetra pack Mango flavored Juice

3 pcs. Hinog na Mangga (cut into small cubes. Reserve few slices for garnish)

4 cups Evaporated milk

3 cups sugar

2 cups of water


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, ilagay ang tubig, gulaman powder, mango juice, asukal at evaporated milk. Isalang sa apoy at hayaang kumulo.

2. Kung kumukulo na patuloy na haluin at ilagay ang hiniwang mangga. Patuloy na haluin sa loob ng mga 2 minuto.

3. Isalin sa mga inihandang llanera o sa ano mang lalagyan na nais.

4. Palamigin at saka ilagay sa fridge ng mga 2 oras.

5. To serve, isalin sa isang platito o lalagyan, ilagay ang hiniwang mangga sa ibabaw at buhusan ng evaporated milk.

Enjoy!!!!

Comments

darklady said…
hi..nice blog po!! food!!! wow!! i love it!! nilagay po kita sa blog roll ko para masubaybayan ko pa po yung ibang food na ilalagay mo dito..^_^
Thanks Darklady......salamat naman at nagustuhan mo ang blog kong ito. Please share it too to your friends.

Thanks again....


Dennis
cool fern said…
sarap..parang leche flan ano?
Medyo chunky ito as compare sa lecheplan na creamy. Pero ang sarap talaga....hehehe
tatess said…
gustong gusto ko itong recipe mo .ito rin ang dahilan kaya inadd kita sa blog list ko para masubaybayan masasarap mong luto.

thanks for the recipe.
Thanks Tatess....mas lalo akong nai-inspire sa mga katulad mo.

Sana yung iba din mag-post ng mga comments nila sa bawat post ko. Kahit mga suggestions mas ok.

Thanks


Dennis
Anonymous said…
hi,can i call u kua? hehehhee
Nagustuhan ko po ung site nio and madami po akong nkuhang mga recipes n simple lang gwin.Wla kasi akong alam lutuin kundi ang magprito lang naisip ko magprint ng mga recipes na kaya ko lng gwin. And one of this day, ittry ko siang lutuin and i will tell u anong feedback ng mga nakatikim ng luto ko hheh.thanks for the recipes :-) gud luck
lragudo13 said…
i wanna try this mango pudding.prang masarap sia eh :-) this weekend pag wla akong pasok i will try this at home.thanks for the recipes :-)
Anonymous said…
kua mukang nkalimutan nio ilagay ang mr.gulaman hehe pero try ko po yan for our deserts...michael of bulakan
Thanks anonympus...Ikaw lang ata ang nakapansin nun.....hehehe. Ayan inayos ko na. Salamat ulit
Anonymous said…
Hi,

Thanks sa recipe mo. Itatry ko sya gawin din weekend, ask ko lang kung ilang grams ung sa mango juice na gagamitin? Tetra pak na malaki or maliit ba? Thank you and God Bless!
Dennis Glorioso said…
Yung maliit lang. Just make sure na hindi sosobra sa dami ng liquid na ilalagay mo para hindi malambot ang finished product.

Thanks


Dennis
Anonymous said…
Hi kuya,

Thank you. Nagawa ko na po and ang sarap nya. Thanks sa recipe mo. Susunod ko gagawin ung mango panna cota naman.
Dennis Glorioso said…
Thanks. Actually halos pareho lang siya. Mas ma-krema at malambot lang ang panna cota

Regards,

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE