SALUBUNGIN NATIN ANG 2011 NANG MAY BAGONG PAG-ASA


Isang taon na naman ang lilipas. Parang kahapon lang na ipinagdiriwang natin ang 2010 tapos eto at patapos na pala siya.

Kay bilis ng panahon. Parang kailan lang ng umpisahan ko ang food blog ito. Pero tingnan mo magdadalawang taon na din pala.

Marami ang nangyari sa 2010. May magaganda at may mga di kanais-nais din. Pero ang mahalaga sa bawat maganda at pangit man na nangyari sa atin ay natututo tayo. Natututo tayong magpatuloy sa daloy ng buhay na ito na ating ginagalawan.

Dalangin ko na sana ang taong 2011 ay maging mabiyaya para sa ating lahat. Wala sanang mabibigat na problema at pagsubok ang dumating at kung meron man, malampasan nawa natin nito. Sana din ay maayos na ang mga kasalukuyang problema na ating kinakaharap at masulusyunan na sa taong papasok. Lagi nawang pag-ibig at kapayapaan ang maghari sa ating mga tahanan at sana ay patuloy tayong biyayaan ng mabuting kalusugan. Ipagkaloob nawa sa atin ang ating mga pangangailangan sa araw-araw at maghari nawa sa puso nating lahat ang pagmamahalan.

Nawa'y sumilay ang bagong pag-asa sa ating lahat sa taong 2011.

AMEN

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE