FRUITY GRAHAM CAKE


Pasensya na kung walang magandang pict ang entry ko na ito for today. Di ba nabanggit ko ko dun sa nauna kong post na sa pagmamadali ko na mai-deliver na ang mga food na ipinaluto sa akin hindi ko na nakuhanan ng pict ang mga ito.

Ang fruity graham cake sa pict sa itaas ay yung nasa bandang kanan. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan din ng mga ka-office mo ang dessert na ito. Tinatanong nga nila ang recipe nito kaya naman naisipan kong isama na din ito as one of my posting.

Actually parang refrigerator cake din siya pero yun nga may cooking na involve dito at nilagyan ko din ng gelatin. Kailangan lang medyo mabilis ang kilos mo dito habang ina-assemble para mas maging maganda ang finish product. Madali lang ito at tiyak kong magugustuhan nyo din.


FRUITY GRAHAM CAKE

Mga Sangkap:
1 big can Fruitcocktail
1 pack Graham Cracker
1 pc. Egg beaten
1 big can Alaska Condensed milk
1 tetra brick All Purpose Cream
1 cup Sugar
1 sachet Mr. Gulaman powder (tunawin sa 1 tasang tubig)
1 tsp. Vanilla

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola magpakulo ng apat na tasang tubig.
2. Samantala, ilagay sa blender ang itlog, condensed milk, all purpose cream at asukal. I-blender ito hanggang sa mahalong mabuti ang mga sangkap.
3. Kapag kumulo na ang tubig, hinaan ang apoy at ilagay ang tinunaw na gulaman. Halu-haluin.
4. Ilagay na din ang na-blender na gatas at cream. Patuloy na haluin
5. Ilagay na din ang vanilla.
6. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asukal kung nais.
7. Ihanda ang tray o baking dish na paglalagyan. Sa bottom, lagyan ng isang layer ng graham cracker.
8. Ilagay ang kalhati ng fruitcocktail at ikalat sa lahat ng bahagi ng tray.
9. Ilagay ang kalhati ng nilutong gelatin bilang 2nd layer. Ikalat sa lahat na bahagi.
10. Lagyan muli ng isa pang layer ng graham cracker. At muli lagyan ng natitira pang fruitcocktail at nilutong gulaman.
11. Budburan sa ibabaw ng dinurog na graham cracker para maging toppings.
12. Ilagay sa fridge at palamigin hanggang sa ma-set.

Ihain sa inyong mga minamahal na may kasamang ngiti sa labi.

Enjoy!!!

Comments

Unknown said…
anung klase ng mr.gulaman po??
Hi Unknown....pare-pareho lang ang Mr. Gulaman. Kulay lang ang nagkakaiba. Kung gulaman bar naman ang gagamitin pwede din. Lutuin lang muna sa 4 na tasang tubig.

Thanks for the visit

Merry Christmas!!!!
Stephanie Viola said…
Tnx for your Graham cke mo..
Dennis Glorioso said…
Thanks Stephanie .... Merry Christmas!!!!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE