YAKINIKU BEEF SKEWER

Na-try nyo na bang lutuin yung yakiniku beef na nakikita natin sa mga frozen section ng mga malalaking supermarket kagaya ng SM? May ilang recipe na rin ako nito sa archive under BEEF label.

Para sa mga hindi pamilyar sa Yakiniku beef, Yakiniku means "grilled meat" . Nauso ito sa Japan at Korea as early as 1945. Check nyo na lang sa Google. Hehehe. Para itong bacon na maninipis ang hiwa na may layer ng taba at laman. Maninipis lang ang hiwa nito kaya okay na okay na i-pan-grill kagaya ng ginawa ko o kaya naman ay i-hiwaw sa baga.

Gamit ang tradisyunal na recipe sa ating nakagawiang barbeque, ito ang ginawa ko sa yakiniku beef na ito na nabili the last time na nag-grocery kami. Actually kahit nga hindi ito ituhog qat diretso na lang sa non-stick na kawali ay okay lang. Ang kainaman dito, yung darili niyang mantika ang nagluluto sa kanya na nakakadagdag pa ng flavor sa kalaunan.

Masarap ito...kahit may konting ganit komo baka nga ito pero masarap naman talaga siya. Try nyo din.


YAKINIKU BEEF SKEWER

Mga Sangkap:
1 kilo Yakiniku Beef
2 cups Sprite or 7Up soda
1/2 cup Barbeque Marinade Mix
1 head minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
salt and pepper to taste
Barbeque Sticks

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, i-marinade ang yakiniku beef sa sprite, barbeque marinade mix, bawang, brown sugar, asin at paminta. Ibabad ito ng overnight o higit pa.
2. Tuhugin ito sa barbeque stick. 1 slice ng beef 1 bbq stick.
3. I-ihaw ito sa baga or sa non stick na kawali hanggang sa maluto. Pahiran ng marinade mix ang iniihaw from time to time.

Ihain ito habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

J said…
Kuya anong klase pong BBQ marinade? Kung ano lang yung favorite naming brand?
kat said…
sarap...mukhang madali lang gawin..Happy FTF. Hope to see you at my blog.

http://www.kat-in-the-kitchen.info/2011/12/03/swedish-kebab-sandwich/
yum...looks very delish Brother Dennis. I love your recipe, great for the Summer. Thank you for sharing. Dropping some love for Food Trip Friday, hope that you can return the favor too.

http://www.tropical7107islands.com/2011/12/rice-egg-and-dried-fish-for-lunch-everybody-is-welcome.html
its good to be back in your blog sir, dito ko yata nakuha yung siomai recipe na sinubukan ko one time. hindi perfect kasi kulang sa ingredient hehe. this one looks delish

Visiting from FTF

xoxo
http://www.tsangreqz.com/

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE