YELLOW FRIED RICE ala DENNIS


Sa pagluluto, importante yung maganda at katakam-takam ang itsura ng pagkain. Di ba sabi nga, ang ating mga mata ang unang kumakain pag may kaharap tayong pagkain. Madalas din kahit busog pa tayo kapag nakakakita tayo ng katakam-takam na pagkain, napapakain pa rin tayo. Ganun ka-importante na kaaya-aya ang itsura ng ating pagkain.

Ofcourse hindi ko sinasabing parang pang-gourmet at may food styling pa ang ating mga inihahain. Although nakakatulong yun. Ang sinasabi ko ay pwede naman nating pagandahin ang ating mga nilulutona na hindi naman gagastos pa tayo ng extra. Syempre wag naman nating isakrispisyo yung itsura sa sarap naman ng pagkain. Baka naman maganda nga at katakam-takam ang itsura pero wala naman lasa. hehehehe.

Example ay itong fried rice na niluto ko nitong isang araw. Alam ko na lahat naman tayo ay alam at marunong magluto ng fried rice. But this time, bukod sa mga tira-tira ang mga ginamit kong sangkap dito, nilagyan ko din ito ng turmeric powder to add color sa aking sinangag. Naging para tuloy siyang java rice. Hindi lang magandang tingnan kundi masarap talaga.


YELLOW FRIED RICE ala DENNIS

Mga Sangkap:
6 cups Cooked Rice (mas mainam kung long grain ito at inilagay muna sa fridge ng overnight bago lutuin.
1 cup Mix Vegetables (Carrots, peas, corn)
2 pcs. Egg beaten
4 pcs. Hot Dogs or Ham cut into small cubes
5 cloves Minced Garlic
1 thumb size Ginger grated
1/2 tsp. Turmeric Powder
2 tbsp. Patis
1 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. Sesame Oil
3 tbsp. Canola oil
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang scrambled egg sa kaunting mantika hanggang sa maluto. Itabi muna sa isang lalagyan.
2. Lagyan muli ng mantika kawali at i-prito ang bawang. Halu-haluin hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Sunod na ilagay ang grated ginger, mix vegetables at hotdogs or ham. Hayaan ng ilang sandali.
4. Ilagay na ang kanin, oyster sauce, patis, asin, paminta at turmeric powder. Haluing mabuti hanggang sa magpantay ang kulay ng inyong sinangag.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. I-chopped ang nilutong scrambled egg at ihalo sa sinangag.
7. Ilagay ang sesame oil, haluing mabuti at saka hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ang ganda nga ng fried rice mo, kuya! Makulay at talaga namang mukhang masarap!
Thanks J...Pwedeng pang-pasko....yellow, red at green ang color...hehehehe
Gio said…
di ko pa nasubukang maglagay ng turmeric sa rice pero this is interesting. matry nga..haha
Yummy to Gio..and dont forget the patis ang ginger. Hehehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)