LECHON KAWALI


May ilang posting na din ako ng lechon kawali sa archive.   Ang pagkakaiba lang nitong post ko for today, niluto ko ito in the traditional way.   Yung mga naunang version ay luto sa turbo broiler.

Masasabi kong iba pa rin ang original version ng dish na ito.   Mas masarap ang malutong talaga ang balat.   Yun lang medyo hazzle ang mga pagtilamsik ng mantika habang piniprito ito.   Hehehehe.   Pero nung malaman ko ang technique para hindi magpuputok at magtilamsikan ang mantika, ay masasabi kong sulit talaga ang hirap sa original version.   Ang technique?   Actually nabanggot ko na din ito sa mga previous veriosn ko.   Ang dapat lang gawin ay i-freezer muna ang pinalambot na liempo at from the fr5eezer ay diretso na ito sa kumukulong mantika.   Also, dapat hindi masyadong makapal ang taba ng liempo.   Yun kasi ang dahilan kung bakit napupuputok ito habang pini-prito.   Try nyo para masubukan.


LECHON KAWALI

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang taba)
2 pcs. Dry Laurel leaves
1 large Onion quartered
1 tsp. Whole Pepper corn
Salt

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, ilagay ang liempo at lahat ng mga sangkap at lagyan ng tubig.  Dapat lubog ang karne sa tubig.   Isalang sa apoy at hayaang lumambot ang karne.   (Maaarig hiwain ang karne into 2 para magkasya sa kaserola)
2.   Kung malambot na, hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
3.   Kung malamig na ilagay sa freezer at hayaan ng mga 3 araw.
4.   Magpakulo ng mantika sa isang heavy bottom na kaserola o yung malaking kawali na may takip.
5.   I-prito ang pinalambot na liempo hanggang sa sa pumula at lumutong ang balat.   Buhusan ng mga 2 kutsarang sabaw na pinaglagaan ng karne from time to time para bumula at mag-pop ang balat ng liempo.

Palamigin sandali bago hiwain.

Ihain na may kasamang Mang Tomas Lechon sauce or toyo na may suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

zachariketayluz said…
favorite ko to hehe!
Thanks zachariketayluz...what a name....hehehe. Me too favorite ko itong dish na ito.

Thanks for the visit
Paolo Paranada said…
boss matagal na ako nagbabasa at halos lahat ng ulam na niluluto ko ay galing sa blog na ito. unang recipe ko na nagawa mula dito eh yung Beef and Potatoes in Cheesy Creamy Sauce. Nung una ko syang naluto, talagang napahanga sakin ang mga kapatid at parents ko. Mula noon ay talaga namang dito na ako kumukuha ng mga uulamin namin everyday. Dahil sa blog na ito eh talagang mas nahahasa ko ang passion ko sa magluluto. More power kuya Dennis. And more recipes to come :D
Thanks Paolo. Nakakatuwa naman ang nakakatulong kahit papaano ang blog kong ito. Kung may mga tanong ka just email me at denniscglorioso@yahoo.com

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE