AN OVERNIGHT STAY @ EASTWOOD RICHMONDE HOTEL

  

Last SaturdayApril 28, 2012, nag-checkin kami ng aking pamilya sa Eastwood Richmonde Hotel sa Quezon City.   Actually, sister compnay namin ang hotel na ito.   Nakabili kasi ako ng discounted na gift check at may special rate din para sa empleyado ng company.   Tamang-tama dahil sa sobrang init ng panahon dito sa Pilipinas, ayos na ayos na magpalamig naman kahit papaano sa ganitong hotel.   Hehehehe

 

Swimming at buffet lang naman talaga ang punta namin sa hotel na ito.   Sa sobrang init ba naman, sino ang ayaw na magbabad sa malamig na tubig ng pool.   Hehehehe.  Kaya naman, after ng konting pahinga ay nagyaya na agad ang aking talong anak na mag-swimming.  Ang swimming pool pala ng hotel ay matatagpuan sa 39th floor.

Kahit kami ng asawa kong si JOlly ay hindi napigilan na mag-swiming din dahil sa sarap ng lamig ng tubig.   Hehehehe


Mga 7pm na rin ng gabi kami nakabalik ng aming room at naghanda naman para sa ming dinner.   Sa KFC kami ng dinner.  Yun kasi ang gusto ng mga bata.
Pagkatapos noon ay nag-ikot-ikot naman kami sa paligid ng Eastwood Citywalk.   Maraming mga bars, restaurant at changge na din na nagbebenta ng mga murang damit at iba pa.

 After noon pumunta naman kami sa sinehan para manood ng The Avengers.   Ang problem, puno lahat ng screening time at ang available na lang ay ang 11:30 onwards na screening.   Nakabili kami ng 11:30 na sched.   mga 9pm pa lang noon kaya naisipan namin na bumalik muna ng hotel para makapahinga.   Nagpa-alarm na lang ako para hindi naman kami ma-late sa palabas.   1:30 natapos ang movie at5 bandang 2am na din kami nakatulog.


 Late na kami nagising the following day.   Ang tanawin mula sa bintana ng hotel (nasa itaas) ang bumati sa aking mga mata.   What a beautiful morning.  Yun lang kita mo talaga ang pollution na nakabalot sa bong Maynila.


Nagbihin na kami agad at tumuloy sa restaurant ng hotel.  Buffet ang breakfast kaya naman excited ang lahat kung ano ang meron na pagkain.  hehehehe

Maraming choices na pagkain.   From pastries to desserts.

 

Ako beef tapa, french toast , crispy bacon at hushbrown ang aking kinain.   Kumain din pala ako ng potato salad.


May cereals, chicken mami at champorado din na nakahanda.  Di mawawala ang adobo, tocino, daing na bangus at marami pa.


Tinapos ko ang aking almusal sa isang donut, honey dew, melon at pastries.


Pagkatapos ng almusal au excite na muli ang mga bata na makabalik ng room para mag-swimming muli.


Walang kapaguran ang mga bata sa hanggang tanghali nilang paglangoy.   Hehehehe


Nakakatuwa dahil kita ko talagang nage-enjoy sila sa kanilang pagba-bonding sa pool.   Heheheh


 Nilisan namikn ang hotel exactly 12 noon.   Isang sulyap mula sa bintana ng hotel ang aking ginawa.   Sabi nga ng bunso kong anak na si Anton, sana daw ay maulit ang aking pagbisita sa hotel na yun.

Sana...sana...makabalik kami.


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)