SPICY CHICKEN and MACARONI SOUP


Hindi lahat ng aksidente sa pagluluto ay pangit ang kinakalabasan.   Kagaya na lang nitong mac soup na ito na aking niluto.   It turns out na mas masarap at mas malasa ito.   Para kang kumain ng laksa soup ng Singapore....hehehehe.

Ordinaryong chicken macaroni soup lang talaga ang planong kong lutuin.   Ito ay sa kahilingan na din ng bunso kong anak na si Anton.   Nang bumibili na ako ng mga sangkap na gagamitin ko sa sopas na ito, napansin ko itong bagong product ng Swift.   Itong canned Corned Chicken nila.   Kumuha agad ako ng dalawa at tamang-tama kako para sa aking chicken sopas na gagawin.

Nagtaka ako ng i-open ko na ang can, bakit mapula na parang may achuete itong laman ng can.   Nung tinitikman ko na na-realize na spicy flavor pala yung nadampot ko sa supermarket.   Pero ganun pa man, masarap naman at hindi naman gaanong maanghang ito at tamang-tama lang sa panlasa.   Kung gata ng niyog siguro ang inilagay ko dito, laksa na laksa ang dating ng soup na ito.    hehehehe.   Try it!


SPICY CHICKEN and MACARONI SOUP

Mga Sangkap:
300 grams Elbow Macaroni pasta
1 tetra brick Alaska Evap (red label)
2 cans Swift Spicy Corned Chicken
2 pcs. Potatoes (cut into small cubes)
2 pc. Carrot (cut into small cubes)
1 large Onion chopped
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Star Margarine
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa star margarine.
2.   Lagyan ng tamang dami ng tubig para sa sabaw at hayaang kumulo.
3.   Kapag kumukulo na, ilagay ang macaroni pasta.   Halu-haluin para hindi dumikit sa bottom ng kaserola ang pasta.
4.   Kung malapit ng maluto ang macaroni, ilagay na ang corned chicken, patatas at carrots.
5.   Timplahan na din ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Tikman at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang Alaska evap at saka patayin ang kalan.
7.   Hayaan munang umalsa ang macaroni bago ihain.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE