BANANA CHOCO-CHOCO DESSERTS


Nitong nakaraang araw, may nadaanan akong nagtitinda ng saging na Dole.   Ito yung saging na ine-export ng Pilipinas sa ibang bansa.  Mataas na klase ito, makinis ang balat at malalaki.  Hindi ako nagtataka kung bakit marami nito ngayon sa mga local market.   Di ba naghigpit ang China sa importation nila ng saging sa Pilipinas?   Kaya siguro sa local market nila ibinabagsak ngayon yung mga reject ng ibang bansa.   Haayy buhay!!!!

But anyway, bumili ako nito kahit 1 kilo at P35 per kilo.  Pagdating ko sa bahay, sabi ng asawa kong si Jolly, ang lalaki naman daw nung saging na nabili ko.   Tama naman.   Parang over para sa isang bata ang isang ganun kalaki na saging.   At doon nabuo ang idea na recipe natin for today.   Hehehehe.


BANANA CHOCO-CHOCO DESSERTS

Mga Sangkap:
3 pcs. large size Banana
1 sachet Milo or Ovaltine powder drink
Chocolate Syrup

Para i-assemble:
1.   Hiwain o i-slice ang saging at ilagay sa isang plato.
2.   Budburan ng Milo or Ovaltine powder ang ibabaw ng saging.
3.   Lagyan din sa ibabaw ng chocolate syrup.
4.   I-chill ng mga 30 minuto bago ihain.

Ihain ng medyo malamig.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap naman ng dessert na yan, kuya!
Simple but yummy J.... Yung origina na pinagkopyahan ko niyan, nilagyan din ng condense milk.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE