BEEF and BROCCOLI with BLACK BEAN SAUCE


Isa sa mga paboritong recipe na binibisita sa food blog kong ito ay itong Beef Broccoli in Oyster Sauce.   Sabagay masarap naman talaga ito at paboritong i-order sa mga Chinese Restaurant.   Mga ilang beses na din akong nakapag-luto nito sa bahay at as always hit palagi ito sa aking pamilya.

Nitong nakaraang araw naisipan kong magluto ulit nitong dish na ito.   Kaso nung makita ko ang bote ng aking oyster sauce ay ubos na pala.   Napa-isip tuloy ako kung anong luto na ang gagawin ko sa beef at broccoli na ito.   Noon ko naalala na may natitira pa pala akong black bean sauce sa fridge at ito nga ang nangyari sa dish na ito.   Masarap din ang kinalabasan.   At dahil sa dagdag na sesame oil mas lalo pang sumarap ang dish na ito.


BEEF and BROCCOLI with BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Beef thinly sliced
300 grams Broccoli cut into serving pieces
2 tbsp. Unsalted Black Bean Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
1 thumb size Ginger sliced
1 medium size Onion sliced
5 cloves minced Garlic
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang karne ng baka.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-prito sa kaunting mantika ang ng karne ng baka hanggang sa mawala ang pagka-pink nito.
3.   Itabi ng konti ang karne sa kawali at igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4.   Ilagay ang toyo, black bean sauce at 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto ang karne.
5.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang brown sugar at broccoli.   Takpan muli hanggang sa maluto ang gulay.
6.  Ibuhos ang tinunaw na cornstarch para lumabot ang sauce.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.  Huling ilagay ang sesame oil at haluin ng bahagya.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Tama ka jan, kuya! Masarap yan with steamed rice!

Ginaya ko nga pala yung Beef Picadillo recipe mo (medyo iniba ko lang ang timpla kasi wala ako nung ibang ingredients saka gusto ng asawa ko ay ma-sarsa hehe). Ang sarap kuya! Patok na patok, pati sa biyenan kong pihikan! Thanks ha! Post ko sa blog ko in the coming days! Shempre ire-reference kita!
Uy! Salamat J ha....baka hindi mo alam bumibisita din ako sa blog...di nga lang ako nakakapag-post ng comment....hehehehe. Hahanap din ako ng magagaya sa mga recipes mo para ma-post ko din....hehehehe

Regards

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE