CRISPY CHICKEN FILLET in HONEY-ORANGE SAUCE

This is already my second attempt na magluto nitong Orange Chicken na ito.   Yung una although masarap naman pero hindi kagandahan ang luto at hindi crispy yung chicken.   Ang ginawa ko kasi, minarinade ko yung chicken sa katas ng orange at saka ko ipinirito.   Ang nangyari komo matamis yung katas ng orange, madaling nasunog yung chicken kaya naging medyo dark ang kulay.   Yun ang hindi ko ginawa sa 2nd version ko na ito.   Sa halip, minarinade ko lang siya ng asin at paminta at saka ko nilagyan ng harina at cornstarch.   Ang kinalabasan (pict sa ibaba), masarap at crispy talaga ang chicken.  Ang ginamit ko palang parte ng manok dito ay yung thigh part.   Mainam kasi ito dahil may kaunting balat na siyang magdadagdag ng lutong sa chicken.


CRISPY CHICKEN FILLET in HONEY-ORANGE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into serving pieces
Juice from 1 Orange
1 can Mandarin Orange
1 thumb size Ginger thinly sliced
5 cloves minced Garlic
1 medium Onion finely chopped
1 cup All Purpose Flour
1 cup Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ang hiniwang chicken fillet.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang plastic bag ilagay ang minarinade na manok, harina at cornstarch.   Isara ang plastic at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina at cornstarch ang lahat ng manok.
3.   I-prito ang manok sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Dapat lubog ito sa mantika.
4.   Alisin ang mantika sa kawali.   Magtira lamang ng mga 2 kutsara.
5.   Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
6.   Ilagay na ang orange juice at ang sabaw ng canned mandarin orange.
7.   Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.
8.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang tamis at asim ng orange juice.
10.   Ilagay na ang piniritong chicken fillet.   Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.
11.   Huling ilagay ang mandarin orange, haluin at hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Luna Miranda said…
may magic sarap pa talaga.:p
thanks for sharing the recipe.
emzkie said…
well we learn from our mistakes and thanks for sharing your recipe! im thinking of trying it. =)

visiting from FTF!
@Luna.... Yup para dun sa marinade ng chicken. Pwede din naman na wala nun. No need na lagyan sa sauce dahil may brown sugar na.

Thanks for the visit Luna :)
@ Emzkie.... True....hindi lahat ng mga try ko ay success ang resulta. But what is important is we learn from our mistake.

Thanks for the visit emzkie :)
J said…
Tama kuya, lagyan mo ng konting corn starch para lumutong!
peachkins said…
I love Orange Chicken! Your version looks really delish!Happy FTF!!
Pwede din J para mas malutong pa rice flour ang ihalo mo. Matagal siya bago mag-sog.
Yes peachkins masarap nga....hehehe. Ang sukatan ko kasi kung masarap talaga ay ang aking mga anak....Nagustuhan talaga nila....hehehe
Jessica Cassidy said…
we love to eat chicken and thank you for the recipe :-) lesson learn and will make you more of a great cook :-) Dropping by from Food Trip Friday :-)
Thanks Jessica...... Experience is really the best teacher specially in cooking. :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE