EMBOTIDONG BANGUS


Remember yung Relyenong Bangus na na-post ko nitong nakaraang araw lang?   Yes.   Yung natirang palaman ang ginamit ko para magawa itong Bangus Embotido na ito.   Actually, maraming pwedeng gawin sa natirang palaman ng relyeno.  Pwedeng itong ngang embotidong bangus, o kaya naman ay lumpiang shanghai.   Pwede din na i-torta ito o kaya naman ay bola-bolang bangus.   For sure masarap lahat ang mga ito.

Sa dish kong ito, wala akong inilagay na sukat sa mga sangkap na gagamitin.   Depende kasi ito sa dami ng natira pang palaman ng relyeno.   Nasa sa inyo na din kung gaano kalalaki ang bilog ng embotido na gusto nyong gawin.  


EMBOTIDONG BANGUS 

Mga Sangkap:
Natirang palaman ng Relyenong Bangus
Binating Itlog
HarinaSweet Pickel Relish
Butter or Margarine
Aluminum Foil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang binating itlog at harina.
2.   Ihalo din dito ang natirang palaman ng relyeno at sweet pickel relish.   Haluin mabuti
3.   Pahiran ng butter or margarine ang aluminum foil.
4.   Maglagay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap at i-roll ito para makabuo ng isang log.   I-press ang magkabilang dulo para masiksik ang kabuuan ng embotido.
5.   I-steam ito ng mga 30 minutes hanggang sa isang oras.
6.   Palamigin muna bago alisin ang aluminum foil.
7.   I-prito ng bahagya hanggang sa pumula ang balat ng embotido.

I-slice at lagyan ng banana catsup sa ibabaw bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
Sarap! I love embutido :)
J said…
Aba pede pala embutido ang fish. Sarap niyan! Naku kuya, dito walang bangus na freshly-caught. Pag gusto namin ng bangus ay nagpupunta kami sa Filipino store at frozen ang nabibili namin. Yung asawa ko nga parang naglilihi kasi 6 na bangus ang binili hehehe. Ayun, naubos na namin yung 4 sa isang kainan lang! ;-)
Thanks pinkcookies....yummy nga ito...hehehe
Oo naman J....parehong mgga sangkap at paraan ng pagluluto...ang naiba lang ay yung pangunahing sangkap. Sa chicken nga di ba pwede din? hehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)