BROILED then BRAISED PATA HAMONADO


It's a challenge para sa akin ang bawat dish na pino-post ko sa food blog kong ito.   Habang tumatagal kasi tumataas ang expectation ng mga followers at naghahanap talaga sila ng bago at kakaiba na hindi pa nila nakikita o nababasa sa iba pang food blog.   Kaya ganun na lang ang research at effort na ginagawa ko para mahatiran ko kayo ng masasarap na recipes.

Itong recipe natin ay masasabi kong bago na luma na dish.   Parang la-lasa niya ang pata-tim pero dalawang pamamaraan ang ginawa kong luto dito.   Pata hamonado pa rin ang maitatawag ko dito komo parehong sangkap ng pork hamonado ang aking ginamit.   Nilagyan ko na lang ng additional twist para mas lalo pa itong sumarap.   At katulad ng nasabi ko sa itaas, niluto ko muna ito sa turbo broiler (broil) at saka ko pinalambot pa sa pineapple juice (braise).

Masarap ito.   Ayos na ayos sa mga espesyal na okasyon kagaya ng anniversary o Christmas man.   Try it!


BROILED then BRAISED PATA HAMONADO

Mga Sangkap:
1 whole Pork Leg (Pata)
2 cans (220ml) Pineapple Juice
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. Onion (sliced)
1 head minced Garlic
2 pcs. Dried Laurel leaves
2 pcs. Star Anise
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Cornstrch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang matulis na kutsilyo, tusuk-tusukin ang paligid na parte ng pata ng baboy at saka kiskisan ng pinaghalong asin at paminta.   Hayaan muna ng mga 30 minuto.
2.   Isalang ito sa turbo broiler sa pinakamainit na setting hanggang sa pumula ang balat nito.
3.   Mula sa turbo broiler ilipat ang pata sa isang heavy bottom na kaserola.
4.   Ilagay ang pineapple juice, toyo, bawang, sibuyas, laurel at star anise.   Lagyan din ng tubig na halos lubog na ang pata.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot na ang pata at kumonti na ang sabaw.
5.   Timplahan ng brown sugar, tikman at i-adjust ang lasa.
6.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
sir bwat post nio ng mga recipe nio tlagang mglalaway k s sarap..by the way sir im here in hagonoy bulakan.gz2 ko n nga mamasukang kht boy nio eh mtikman ko lng lht ng nluluto nio po hehe...

Mike ng hagonoy bulakan
Hahahaha.....Thanks Mike. Natawa naman ako dun....hehehehe. Kamusta kayo dyan sa Hagonoy....di ba nabaha kayo? I hope okay kayong lahat ng pamilya mo dyan.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE