MEAT BALLS in 3 CHEESE PASTA SAUCE


May 1/2 kilo ako ng pork giniling sa freezer.   Nung binili ko ito sa supermarket, wala pa akong idea kung anong luto ang gagawin ko dito.   Dapat sana ay sa pasta ko ito gagamitin, pero di pala ako nakabili ng pasta.   Samadaling salita, naging isang masarap na pang-ulam sa kanin ang kinalabasan.   Although, winner din ito kung ihahalo sa pasta, pwede din itong kainin with bread.

Sa dish na ito gumamit ako ng Clara Ole Chunky Tomato with Three Cheese (free promo ito ha...hehehe).   Masarap ang sauce na ito as compare sa ordinary tomato sauce.  Nilagyan ko din ng shiitake mushroom ang bola-bola para dumami pa at para mas lalo pa itong sumarap.  Try nyo ito...masarap talaga.


MEAT BALLS in 3 CHEESE PASTA SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Giniling
1 pouch Clara Ole Chunky tomato with 3 cheese pasta sauce
1 cup finely chopped Shiitake Mushroom
2 large size reg Onion finely chopped (1 for the meat balls and 1 for sautee)
5 cloves minced Garlic
1 tsp. Garlic Powder
5 cloves minced Garlic
1 tsp. Dried Basil
1/2 cup grated Cheese
1 cup Japanese Bread Crumbs
 2 tbsp. Olive Oil
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang giniling na baboy, hiniwang shiitake mushroom, sibuyas, garlic powder, bread crumbs, konting asin at paminta.   Haluing mabuti at hayaan ng ilang sandali.
2.   Gumawa ng mga bola-bola sa nais laki.   Ilagay muna sa isang lalagyan.
3.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ng bahagya ang bola-bola sa olive oil.
4.   Sunod na ilagay ang bawang at sibuyas.   Bahagyang haluin.
5.   Ilagay na ang chunky tomato with 3 cheese sauce, dried basil, asin, paminta at brown sugar.   Hayaang kumulo.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang grated cheese sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ako rin kuya nilalagyan ko ng mushrooms ang meatball para mas masarap!
i♥pinkc00kies said…
Masarap nga Clara Ole sauces ;)
Oo nga pinkcookies....dami ko na ding na-try na mga pasta sauces nila. Meron nga akong experiment na gagawin using pesto sauce naman. hehehe. Abangan.
Anonymous said…
mr.Glorioso ouede ka bang magpost ng mga recipes gamit lang ang canned goods like sardines saba mackerel?para po medaling maafford,napaka mahal na po kasi ng pagkain.
Dennis Glorioso said…
Hello! May mga ilang recipes na rin ako na canned goods ang ginamit. Paki-check na lang sa archive under ng LABEL na canned goods.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE