BACON, EGG and CHEESE SCRAMBLED


Sa lahat ng ulam o pagkain na inihahanda ko sa araw-araw, itong ulam na pang-almusal ako hirap na hirap.   Parang wala na akong maikutan na iba pang pwede na iluto.   Hotdogs, longanisa, tocino, tuyo, luncheon meat, sardinas, etc.   Kaya ang ginagawa ko nilalagyan ko na lang ng twist o kung ano na lang ang maisipan.   hehehehe

Gustong-gusto ko ang bacon, itlog at cheese.   Pang-ulam man o pam-palaman sa tinapay, winner ito para sa akin.   Kaya nitong isang umaga na nag-iisip ako ng pang-ulam sa almusal, bakit kako hindi ko pagsama-samahin ang tatlong paborito kong ito at gumawa nitong scrambled omellet.

Yummy!   Masarap ito sa sinangag o kaya naman ay sa mainit na pandesal.


BACON, EGG and CHEESE SCRAMBLED

Mga Sangkap:
300 grams Bacon (cut into cubes)
3 pcs. Eggs (beaten)
2 tbsp. Mayonaise
1/2 cup grated Cheese
5 cloves minced Garlic
1 medium size White Onion (sliced)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Batihin ang itlog kasama ang mayonaise.
2.   Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.   Sunod na ilagay ang bacon at halu-haluin hanggang sa medyo pumula ang bacon.
4.   Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
5.   Ibuhos na ang binating itlog at mayonaise sa ginisang bacon.   Hayaan muna ng ilang sandali para mabuo ng konti ang itog at saka haluin.
6.   Huling ilagay ang grated cheese at saka hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE