CHEESY TORTANG TALONG


Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng tortang talong.   Ito kasi ang isa sa paborito kong luto sa talong.   Gustong-gusto ko yung smokey taste at yung laman syempre na naka-add-on dito.   Yung iba mas gusto yung itlog lang ang inilalagay nila sa kanilang torta.

Ayos na ayos naman dahil may natira pa akong palaman ng embotido.   Remember yung posting ko for pork embotido?   Yes.   May natira pang mga 2 tasa na palaman at itong tortang talong agad ang naisip kong gawin para dun.  At para naman mas sumarap pa, nilagyan ko ng ito ng Del MOnte Cheese melt bago ko inihain. 

Try nyo ito.   Masarap na ulam na napaka-tipid pa.


CHEESY TORTANG TALONG

Mga Sangkap:
5 pcs. medium size Talong
2-3 cup leftover Embotido or Shanghai Mix
4 pcs. Eggs
1 cup All Purpose Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Del Monte  Cheese Melt or Cheese Wiz
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-ihaw ang talong sa gas stove o sa ordinaryong baga.   Palamigin at pagkatapos ay balatan.
2.   Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ang harina.   timplahan na din ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Batihing mabuti hanggang sa maging pino ang inyong batter.
3.   Magpainit ng kaunting mantika sa isang non-stick na kawali.
4.   Sa isang plato o bandehado ilatag ang inihaw na talong at gamit ang tinidor ay i-press ito. 
5.   Lagyan ng palaman ang ibabaw ng talong at saka buhusan ng ginawang batter.
6.   I-prito ito sa mainit na mantika hanggang maluto ang magkabilang side.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng cheese melt sa ibabaw.

Ihain ito habanag mainit pa na may kasamang catsup.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ahehe kuya, tortang talong din sana ang next post ko. Nakapagluto kasi ako last week nung pumunta kami sa Asian store. Pero mas winner yung sa yo kasi cheesy hehehe.
Dennis Glorioso said…
Hahahaha....Thanks J. Oo nga..nag-level-up ang hamak na tortang talong dahil sa cheese melt....hehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE