CHICKEN & SAUSAGE CALDERETA

All time favorite nating mga Pilipino ang caldereta.   Ano pa mang karne ang ating kina-caldereta, maging baka, baboy, kambing o manok man, paniguradong patok sa mga kakain.   Gustong-gusto kasi natin yung lasang medyo maanghang ng konti at malasang-malasa ang sauce.   Kung baga, sauce pa lang ay ulam na.

Ganun ang ginawa kong luto sa manok nitong nakaraang araw.   At para mas mapasarap pa ang kabuuan ng dish na ito, nilahukan ko pa ng dalawang klase ng sausage.   Longanisang Macau at Hungarian Sausage.   Kung masarap na ang caldereta natin at nilahukan pa ng mga ganitong klase ng sausages, panigurado kong panalo ang lasa ng ating caldereta.

Try nyo ito.   Hindi ako mapapahiya sa inyo sa isang ito.   Winner talaga.



CHICKEN and SAUSAGE CALDERETA

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 pcs. Hungarian Sausages (sliced)
2 pcs. Longanisang Macau (sliced)
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tetra pack Tomato Sauce
2 tbsp. Peanut Butter
1 small can Reno Liver Spread
2 medium size Potatoes (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 pcs. Tomatoes sliced
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. or more Chili Garlic Sauce
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta at hayaang masangkutsa.   Takpan.
3.   Ilagay na din ang sweet pickle relish, patatas, carrots, red bell pepper, longanisang macau, hungarian sausage at tomato sauce.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4.   Huling ilagay ang peanut butter at reno liver spread.   Timplahan na din ng maggie at chili-garlic sauce.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
ang sipag po ninyo mag try ng variations ng mga putahe...saludo po ako sa inyo!! sensya na po kung anonymous lagi gamit ko, mahirap po kasi mag log in. (claire)
Dennis Glorioso said…
Thanks Claire..... Maganda yung nag-i-experiment ka sa mga niluluto..para hindi maging boring ang pangkaraniwang dish na nakakain natin.
J said…
Sarap niyan kuya! Pero ano kayang pedeng substitute sa liver spread? Para magaya ko ang recipe mo!
Dennis Glorioso said…
Thanks J.....Wala bang liver spread dyan sa inyo? hehehehe.... Wala kasi akng maisip na pamalit dito. hehehehe. Pork liver siguro. I-boil mo tapos i-blender. Pero the best pa rin yung liver spread talaga. hehehehe
Anonymous said…
I'm a fan from Idaho,USA. Mahilig din akong umimbento ng luto dahil yung ibang native na sahog ay hindi mabibili dito. Kung minsan ay masarap, kung minsan ay ayaw kainin ng aso ko. LOL. Celso
Dennis Glorioso said…
Salamat Celso. Ganun naman dapat talaga para hindi maging boring ang ating mga niluluto. Me too, trial and error ang ginagawa ko. But ofcourse we should learned from our mistakes.

Thanks again for your continued support sa blog kong ito.


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE