CHICKEN & SAUSAGE CALDERETA
All time favorite nating mga Pilipino ang caldereta. Ano pa mang karne ang ating kina-caldereta, maging baka, baboy, kambing o manok man, paniguradong patok sa mga kakain. Gustong-gusto kasi natin yung lasang medyo maanghang ng konti at malasang-malasa ang sauce. Kung baga, sauce pa lang ay ulam na.
Ganun ang ginawa kong luto sa manok nitong nakaraang araw. At para mas mapasarap pa ang kabuuan ng dish na ito, nilahukan ko pa ng dalawang klase ng sausage. Longanisang Macau at Hungarian Sausage. Kung masarap na ang caldereta natin at nilahukan pa ng mga ganitong klase ng sausages, panigurado kong panalo ang lasa ng ating caldereta.
Try nyo ito. Hindi ako mapapahiya sa inyo sa isang ito. Winner talaga.
CHICKEN and SAUSAGE CALDERETA
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
2 pcs. Hungarian Sausages (sliced)
2 pcs. Longanisang Macau (sliced)
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tetra pack Tomato Sauce
2 tbsp. Peanut Butter
1 small can Reno Liver Spread
2 medium size Potatoes (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 pcs. Tomatoes sliced
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. or more Chili Garlic Sauce
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta at hayaang masangkutsa. Takpan.
3. Ilagay na din ang sweet pickle relish, patatas, carrots, red bell pepper, longanisang macau, hungarian sausage at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4. Huling ilagay ang peanut butter at reno liver spread. Timplahan na din ng maggie at chili-garlic sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks again for your continued support sa blog kong ito.
Dennis