HALEYANG KALABASA na may MACAPUNO


Noon ko pa balak gumawa ng espesyal na dessert na ito.   Ang Haleyang Kalabasa.   Ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy...hehehehe.   Medyo matrabaho din kasing gawin ito lalo na yung pagluluto o paghahalo.   But atleast ngayon ay nagawa ko na din.  hehehehe. And to make it more special, nilagyan ko pa ng sweet macapuno sa ibabaw na bigay naman ng aking officemate na si Ate Josie.   Sino ba naman ang aayaw ngayon sa masarap na dessert na ito?   hehehehe

Masasabi kong ito talaga ang tunay na labor of love.   Pero sulit naman ang pagod at tagal ng pagluluto nito.   Napaka-sarap ng kinalabasan at maihahambing mo talaga sa Ube Jam ng Good Shepperd sa Baguio.   Yummy talaga!!!!


HALEYANG KALABASA na may MACAPUNO

Mga Sangkap:
1 kilo Kalabasa (Balatan, alisin ang buto at hiwain ng pa-cube)
1 tetra brick Condensed Milk
1 small can Evaporated Milk
2 tbsp. Vanilla
250 grams White Sugar
1 cup Butter
Star Margarine
Sweet Macapuno

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, ilaga ang kalabasa hanggang sa lumambot.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2.   I-blender ang nilutong kalabasa kasama ang evaporated milk hanggang sa ma-puree at maging pino.
3.   Sa isang non-stick na kawali isalin ang na-blender na kalabasa.   Ilagay na din ang condensed milk, vanilla, butter at asukal.
4.   Haluin hanggang sa lumapot at magmuo-muo ang kalabasa.   Huwag tiggilan ng halo.   Tatagal siguro ng mga 1 hanggang 2 oras ang paghalo na gagawin.
5.   Lagyan ng star margarine ang mga llanera o hulmahan na paglalagyan.
6.   Hanguin sa mga hulmahan ang nilutong haleya.   Palamigin.
7.   To serve, isalin sa isang bandehado o plato at lagyan ng matamis na macapuno sa ibabaw.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
sir dennis matamis at msarap napo bha e2 kht wla xang sweet macapuno? Balak kopo kzng gumawa n2 s pasko.

Raymond
Dennis Glorioso said…
Yes Raymond....matamis na ang haleya....pero nasa sa iyo kung gusto mo i-adjust yung tamis. Yung macapuno ay pang-dagdag sarap na lang.

Thanks
Anonymous said…
I will try this tonight :) soo xcited nah
Dennis Glorioso said…
Yes try it and let me know the results. Thanks my friend
Jav Villarago said…
Ask lng po nung mablender ba at imimix ang condensed may low heat pa ba ito??
Dennis Glorioso said…
Medium heat is okay.....basta lagi lang hahaluin especially yung bottom ng pan para di mag-tutong.

Thanks Jav
Anonymous said…
Wow sarap! Thanks po.dto na cgro matututong kumain ng gulay ang anak ko. I'll try this on weekend!
Dennis Glorioso said…
Thanks Anon... Madali lang naman gawin yan...yun lang tyaga ang kailangan....hehehehe. Problema ko din ang pagpapakain ng gulay sa mga anak ko. hehehehe

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE