PAN-GRILLED PORK BARBEQUE with PEANUT SAUCE


Every Sunday after naming mag-simba, sama-sama kaming pamilya na nagla-lunch kung saan namin nagustuhan na kumain.   Komo nga pumapasok kami ng aking asawa sa trabaho, minsan sa isang linggo lang kami nagkakasabay-sabay kumain.

Last Sunday sa isang fastfood sa Glorietta 4 sa Makati kami nag-lunch.   Isang food outlet na sikat sa kanilang barbeque ang napagkasunduan naming mag-lunch.   Bangus Belly ang sa aking asawa at sa anak ko si James.   Boneless Chicken naman sa aking panganay na si Jake.  Pork barbeque on stick ang aking bunsong si Anton.   At pork liempo naman ang sa akin.

Hindi ko nagustuhan yung pork liempo barbeque na in-order ko.   Wala kasing lasa yung pork at kung hindi dahil sa peanut-barbeque sauce na kasama ay wala talaga itong lasa.   Sa aking pagka-dismaya, naisipan kong magluto din ng ganito at minarinade ko talaga ang karne the Pilipino way.   Gumawa din ako ang peanut-barbeque sauce to complete the dish.

Wow!  Ano ang sinabi ng sikat na barbeque store na ito....hehehehe.... Yummy!!!!


PAN-GRILLED PORK BARBEQUE with PEANUT SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo
12 oz Sprite or 7-Up Soda drink
1 head minced Garlic
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. ground Black Pepper
1/2 cup Soy Sauce
3 tbsp. Worcestershire Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
4 pcs. Calamansi
For the Peanut Sauce:
2 tbsp. Peanut Butter
3 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan muna ng asin at paminta ang pork liempo.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang sprite soda, toyo, bawang, worcestershire sauce, katas ng calamansi at brown sugar.
3.   I-marinade ang pork liempo sa pinaghalong mga sangkap at hayaan ng overnight sa fridge.
4.   I-ihaw ito sa live na baga o kaya naman ay i-pan-grilled sa non-stick na kawali o griller hanggang sa maluto.
5.  For the sauce:   Sa isang sauce pan, maglagay ng 2 tasa ng marinade mix. 
6.  Ihalo din ang peanut butter, brown sugar at toyo at pakuluin sa mahinag apoy.
7.  Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.  tikman angs auce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang pork barbeque kasama ang ginawang peanut sauce.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ahahay kuya... kahit walang sauce, panalo sa akin yan! Basta grilled pork - peyborit!
Dennis Glorioso said…
Pero yung sauce J....hehehehe...Winner talaga!!!! hehehe

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE