UNDAS 2012 - Remembering Our Departed Love Ones


All Souls Day....Todos los Santos....Undas...Ano pa man ang tawag.....ito ang araw kung saan inaalala natin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa pa.   Isang tradisyong Pilipino na angat talaga sa alin man bansa sa buong mundo.   Bakit naman hindi?   Tayo lang ata ang bansa sa buong mundo na gumagawa ng ganito sa kanilang namayapa na mahal sa buhay.

Halos lahat tayo ay abala na isang linggo pa lang bago ang a uno sa paglilinis ng kanilang mga puntod at yung iba naman ay umuuwi pa ng kanilang probinsya para dalawin ang kanilang namatay na mahal sa buhay.




This year, una kaming uuwi sa aking bayang kinalakihan sa Bocaue para dalawin ang aking namayapang Inang Lina.   Mag-12 years na rin nang iwan kami ng aking Inang.   Pero hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng kanyang pagkawala.



Pagkagaling namin ng Bocaue ay diretso naman kami ng Batangas para dalawin naman ang ama ng aking asawang si Jolly na si Tatay Tunying.   Every year dito sa kanila kami pumupunta.   But this year komo mahaba ang holiday, nauna kami sa Bulacan at dito nga sa Batangas.

Sa aming pagdalaw sa mga puntod na ito ng aming mga mahal sa buhay, kasama namin ang tatlo naming anak para ipamulat din sa kanila ang tradisyong ito at ang pagmamahal namin sa aming mga namayapang mga magulang.   Sana sa kanilang paglaki ay ganun din ang gawin nila sa amin.

Isang mapagpalang Undas sa inyong lahat.


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE