MILK, TUNA and MUSHROOM PASTA

Gusto nyo ba ng pasta dish na medyo healthy para sa Noche Buena nyo this Christmas?   Pwede nyong i-try itong Milky Tuna and Mushroom Pasta ko na ito.   Simple lang ang mga sangkap kahit siguro sa sari-sari store ay mabibili mo ito.   Simple lang din ang pamamaraan ng pagluluto na tiyak kong masusundan ninyo ng madali.

Nasabi kong medyo healthy komo canned tuna ang ginamit ko dito na pang-sahog.   Evaporated milk din ang ginamit ko sa halip na cream.   For the cheese, nas sa inyo na yun kung gaano karami ang nais nyong ilagay.   Pero sabi ko nga, ito ang pasta dish na simple pero hindi tipid ang sarap.

Try nyo po ito para sa inyong Noche Buena o Media Noche.


MILK, TUNA and MUSHROOM PASTA

Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti Pasta  (cook according to package direction)
1 big can Century Tuna Flakes in Oil
1 big can Alaska Evaporated Milk (yung red label)
2 cups Sliced Button Mushroom
2 cups grated Cheese
1 tsp. Dried Basil Leaves
2 tbsp. Butter or Olive Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.  Do not overcooked.
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter o olive oil.
3.   Ilagay na agad ang canned tuna, evaporated milk, 1 cup ng grated cheese at dried basil. 
4.   Tikman muna ang sauce bago timplahan pa asin, paminta at maggie magic sarap.
5.   Ihalo ang nilutong pasta sa sauce at haluing mabuti.

Ihain habang mainit pa at lagyan ng grated cheese at dried basil sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE