ROASTED PORK BELLY using MAMA SITA'S BARBEQUE MARINADE

Ang unang ipinangalan ko sa dish na ito ay Inihaw na Liempo using Mama Sita's Barbeque Sauce pero pinalitan ko komo hindi ko naman talaga ito ini-ihaw kundi niluto sa turbo broiler.   Pero gayun pa man, pwedeng-pwede itong i-ihaw sa baga na nakagawian na natin.   hehehehe

Marami nang instant ngayon.   Kung gusto mong magpadala ng mesahe sa iyong mahal sa buhay, isang text lang ay mare-received niya agad ito.   Kung gusto mong magluto ng sinigang sa sampalok, hindi mo na kailangang mag-piga pa ng sampalok.   Bili ka lang ng sinigang mix ay ayos na din.   Kung baga, mas pinadali ng mga instant mixes na ito ang kumplikadong mundo ng pagluluto.

Walang problem sa akin ang mga instant mixes or sauces na ito.  Why not?   Sa katulad na may 8 hours na trabaho, mas madali o shortcut na paraan ng pagluluto ay okay lang.   Bakit natin pakukumplikaduhin kung pwede naman na simple lang.

Kagaya nitong roasted pork belly na ito o inihaw na liempo.   Basta ibinabad ko lang ang liempo sa instant barbeque marinade mix, presto! may isang masarap na pang-ulam na ako.   Siguro nasa sa inyo na lang kung natatabangan kayo or kailangan nyo pang dagdagan ng asin at paminta ang marinade mix.   Ang bottom line lang with this instant marinade mix mas napapadali ang ating pagluluto.


ROASTED PORK BELLY using MAMA SITA'S BARBEQUE MARINADE MIX.

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo
1 tetra pack Mama Sita's Barbeque Marinade Mix
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. ground Black Pepper
1 head minced Garlic

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang paligid ng pork belly.
2.  Sa isang plstic bag o zip block, ilagay ang pork belly, mama sita's barbeque marinade mix at minced garlic.   Ikot-ikutin para ma-coat ng marinade mix ang lahat ng karne.   Ilagay sa fridge at hayaang ma-marinade ng overnight bago lutuin.
3.   I-ihaw ito sa baga o sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang sawsawang calamansi, toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
May post din ako na ganyan, kuya. Basta gusto ko ng Pinoy bbq, marinate ko lang sa Mama Sita hehe. Solb na!
Dennis Glorioso said…
Yun nga J...bakit natin papahirapan ang sarili natin kung may mga instant sauces na kagaya nito. Thanks J

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)