STEAMED GARLIC-BASIL CHICKEN

Hindi ko akalain na ang simpleng steamed chicken na ito ay aani ng papuri sa mga officemate ng asawang kong si Jolly.   Hehehehe.   Humihingi pa sila ng recipe nito kaya naman ginawa ko ito agad para mabigay ko sa kanila.

Wala akong maisip na luto sa isang buong chicken na natitira na lang sa aming freezer.   Ubos na din ang mga gulay at mga pang-rekado ko, kaya naisipan ko na lang itong i-steam.   Ang pinaka-key sa dish na ito ay amg mga sangkap na inyong ilalagay habang ini-steam.   Mas mainam yung matatapang ang lasa at punong-puno ng flavor.   Komo dried basil, garlic at sesame oil na lang ang nasa cabinet ko, ito na lang ang pinagsama-sama ko para dito.   At di naman ako nagkamali, nasarapan at nagustuhan ng mga kumain ang chicken dish na ito.   Ang ofcourse the sauce.   Para sa akin yun ang nagdala sa kabuuan ng dish.



STEAMED GARLIC-BASIL CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
1 head minced Garlic
1 tsp. Dried Basil leaves
1 sachet Instant Ginisa Mix
1 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
For the Sauce:
1/2 cup Mayonaise
1 tsp. minced Garlic
1 tsp. Chili Garlic Sauce
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang manok at hatiin sa dalawa.  
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang dinikdik na bawang, dried basil leaves, ginisa mix, asin at paminta.
3.   Ikiskis ang pinaghalong mga sangkap sa paligid ng manok.  Maaring hiwaan ang katawan nito para pumasok hanggang laman ang spices na ginawa.
4.   Pahiran ng sesame oil ang paligid ng manok at i-steam hanggang sa maluto.
5.   For the sauce, paghaluin lang ang lahat ng sangkap para sa sauce.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Hiwain ang ini-steam na manok bago ihain kasama ang sauce na ginawa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE