STUFFED CHICKEN with BACON and MASHED POTATOES
Siguro mga 10 years na din nung unang beses akong makapag-dinner sa Manila Hotel. My benefit dinner kasi at nag-sponsor ang aming opisina ng 1 table.
It's a formal seat down dinner. Yun bang ang daming plato at kubyertos sa table mo na parang nalilito ka kung alin ang gagamitin? hehehehe. Ang hindi ko makalimutan sa espesyal na dinner na yun ay yung isa sa main course na chicken na may palaman na mashed potato. Steamed ata ang luto at masarap talaga.
Yun ang naging inspirasyon ko sa dish na ito. Ang Stuffed Chicken with Bacon and Mashed Potato. Actually, may palpak din na nangyari nung niluluto ang dish na ito. Pero ang isusulat ko sa pamamaraan ng pagluluto ay yung corrected version na siguro. Overall, masarap ang chicken dish na ito. Parang nalalapit din ang lasa sa Chicken Cordon Bleu. But this is more creamy maybe because of the mashed potato. Try it. Pwede din ito para sa ating Noche Buena.
STUFFED CHICKEN with BACON and MASHED POTATOES
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet
100 grams Bacon (hiwain ng maliliit)
4 pcs. large Potatoes (Boiled)
1/2 cup Leeks (chopped)
1 pc. Lemon
1 cup grated Cheese
Japanese Breadcrumbs
1/2 cup Flour
2 pcs. Eggs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen malet, pitpitin ang chicken breast hanggang sa numipis ito.
2. Timplahan ng asin, paminta at katas ng lemon ang manok. Hayaan ng 1/2 oras o higit pa.
3. Sa isang bowl, i-mashed ang papatas at ihalo ang chopped na leeks, grated cheese at bacon. Haluing mabuti.
4. Sa isang bowl, batihin ang itlog at harina. Timplahan ng konting asin at paminta.
5. To assemble: Lagyan ng pinaghalong bacon at mashed potato ang bawat isang chicken breast. I-roll at tiyaking walang lumalabas na palaman.
6. Ilubog ang chicken roll sa ginawang batter at saka igulong naman sa breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
7. Ilagay muna sa freezer ng mga 10 minuto ang ginawang roll para dumit ng husto ang breadings.
8. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
9. Palamigin sandali bago i-slice.
Ihain na may kasamang catsup o pinaghalong mayonaise at catsup.
Enjoy!!!!
PS. Paki-click naman po ng mga Ads. Papasko nyo na lang sa akin. Salamat po.
Comments
magtatanong lang po, anong ginagamit mo sa pag measures ng ingredients mo ? ordinary tablespoon ba o yong measuring tbsp. thanks.!!
Thanks again
may iba na naman po akong tanong, just want to be sure. and bacon ba dito ay luto na o hindi pa.at saka anong klase po ang cheese na ginagamit. naandito po kasi kami sa states at iba iba ang cheese na shreded na. balak ko kasing ihanda ito ngayong pasko.first time ko pang makapagluto nang ganitong putahe.sa tingin ko, talagang masarap siya.
Thanks Rosela and Merry Christmas.
Dennis
MERRY CHRISTMAS, I THANK YOU FOR THIS RECIPE,I COOKED IT ON CHRISTMAS, TASTE GOOD TALAGA, MY FAMILY LOVES IT. NASASARAPAN SILA. ANG SABI NILA, "MOM YOU ARE THE BEST COOK NA TALAGA!" NGAYON LANG KASI AKO NATUTUNG MAGLUTO. IM GLAD THEY LIKE MY COOKING!DAHIL SA RECIPE MO.