BABY POTATOES and BACON IN CREAMY CHEESE SAUCE
Ito ang isa pa sa mga inihanda kong dish nitong nakaraan naming Noche Buena. Baby Potatoes and Bacon in Creamy Cheese Sauce.
Actually, halos every year ay naghahanda ako ng dish na ito. Paborito kasi ito ng aking pamilya. Bukod sa madali lang itong gawin, masarap talaga ito at tamang-tama sa espesyal na okasyon kagaya ng Pasko.
Pero kahit na taon-taon ay niluluto ko ito, syempre naman may mga twist din akong inilalagay na mas nagpapasarap pa lalo sa masarap na na dish na ito.
BABY POTATOES and BACON in CREAMY CHEESE SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes
2 cups or 1 jar Cheese Wiz
1 tetra brick All Purpose Cream
1 small can Alaska Evap (red label)
1/2 kilo Bacon (cut into 1/2 inch long)
1 head minced Garlic
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang patatas. Mainam na ibabad ito sa tubig ng ilang oras at saka kuskusin ang bawat isa nito para mawala ang lupa o putik na naka-kapit.
2. Hiwain ito into half at ilagay sa isang kaserola na may tubig at kaunting asin.
3. Pakuluan ito hanggang sa maluto ang patatas.
4. Sa isang sauce pan o heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang sa butter.
5. Isunod na agad hiniwang bacon at hayaan ng mga ilang minuto hanggang sa medyo matusta ang bacon. Kumuha ng 1 cup ng bacon para pang-toppings.
6. Ilagay na din ang evaporated milk, cream at cheese wiz. Halu-haluin.
7. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
8. Kapag kumulo na ilagay nag ang nilutong baby potatoes. Halu-haluin ng dahan-dahan hanggang sa ma-coat ng saue ang lahat ng patatas.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang bacon na naunang kinuha.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Hindi po ako umuwi ng Pinas... nagpunta lang kami sa Tennessee and yung tinuluyan namin ay bahay na nasa tuktok ng bundok. :-)
Wow! Bakasyon grande ka pala ha....Kami nung Christmas sa nmga biyenan ko naman.
Regards,