FLORES REUNION sa INTE BEACH


FLORES REUNION sa INTE BEACH

Taon-taon tuwing sumasapit ang Sabado de Gloria, nagkakaroon ng reunion ang pamilya Flores ng aking asawang si Jolly.  Ginaganap lagi ito sa isang ilog na pagmamayari ng kanilang pamilya partikular ang Tiyo Inte na siyang nagmamayari ng lumpang sumasakop sa ilog na ito.   Kaya naman tinawag na din itong Inte Beach.   Hehehehe.

Taon-taon din, sumusulat ako ng article sa masayang okasyong ito ng aming pamilya.   Nakakatuwa kasi na kahit taon-taon ito ginaganap, ay exited pa rin ang lahat na magkita-kita at magsalo sa masasarap na pagkain na taon-taon din ay ganun ang luto.  hehehehe.   Maging ang aking mga anak ay excited sa okasyong ito.   Dahil lumaki na din sila na kasama dito at sa ilog na ito din sila natutong lumangoy.

 
Every year din ay nag-a-appoint sila ng pangulo na siyang mamumuno sa susunod na taon na pagdiriwang.   Magastos pero tulong-tulong din naman ang lahat sa gastos at sa pagluluto ng mga ulam na pagsasaluhan.

Dalawang baboy ang kinatay para lutuin bukod pa sa lechon.   Ganun pa din ang menu ng mga ulam.   Hehehehe.   May adobo, caldereta, pinalabuan, pochero at menudo.   Mayroon ding enseladang mangga na may hipon.   Mayroon ding minatamis na saging, puto at gelatin para panghimagas.

Tuwang-tuwa ang bisita naming French.   It's like paradise daw...hehehehe...pero yung tubig daw ay parang polluted na...hehehehe.

 Medyo na-late ang dating ng lechon.  Pero wag ka....after 15 minutes ata ay ubos na ito.  Heheheheh

 Masaya ang lahat.   Ang mga bata ay naglalaro at nagsi-swimming sa tubig, samantalang ang mga matatanda naman ay nag-iinuman at nakikisaya sa mga palaro.

Bumalik kami sa bahay na masaya at busog.   Ang mga bata ay naiwan pa para i-enjoy ang malamig na tubig ng Inte Beach.   Hehehehehe

Next year ulit....

Comments

Yellow Bells said…
kuya dennis mas maganda itong blog mo pag mas malalaki ang pictures!
Dennis Glorioso said…
Yellow.....Nasa set-up kasi ito ng blogger. But if you want to view the bigger picture, click mo lang yung pict.

Thanks

Dennis
Anonymous said…
nakakmiss tlga sa pinas...thank u for posting and sharing your family gatherings..feeling ko im at home..more power.God bless
Dennis Glorioso said…
Salamat naman at kahit papaano ay nakakapagbigay saya din ang mga ganitong post ko.

Dennis


Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE