PAN-GRILLED SALMON with TERIYAKI SAUCE

Dalawa lang kami ng asawa ko sa house.   Nasa biyenan ko na sa Batangas ang tatlo kong anak para sa kanilang summer vacation.   Dinadalaw na lang namin sila kapag weekend at balik ulit kami ng Manila para naman sa aming trabaho.

Komo nga dalawa lang kami sa bahay, madalas ay sa labas na lang kami kumakain.   Pero syempre naman nagluluto pa rin ako para sa amin para may maibaon na din kami kinabukasan.   hehehehe

Kagaya nitong niluto kong pink salmon na ito.   2 slices lang siya para sa aming dalawa.   Pan-grilled lang ang luto na ginawa ko at nilagyan ko lang ng teriyaki sauce.   Special para sa aking asawa.  hehehehe


PAN-GRILLED SALMON with TERIYAKI SAUCE

Mga Sangkap:
2 to 3 slices Pink Salmon
1 thumb size grated  Ginger
1 small Onion (finely chopped)
3 cloves Minced Garlic
3 tbsp. Sweet Soy Sauce
3 tbsp. Teriyaki Sauce
1 tsp. Cornstarch
1 tbsp. Brown Sugar
Few drops of Sesame Oil
1 tbsp. Canola Oil
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng salmon.   Hayaan ng mga 30 minuto.
2.   Sa isang non-stick na kawali o griller, i-grill ito hangang sa maluto.
3.  For the sauce:   Sa isang sauce pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4.   Ilagay na agad ang toyo, teriyaki sauce at brown sugar.
5.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch at halu-haluin hanggang sa makuha ang tamang lapot na nais.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.  Huling ilagay ang sesame oil.

Ihain ang salmon na may teriyaki sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
thank u for this recipe..ill cook this tonight for dinner..from mearhii your fan in knetucky u.s
Anonymous said…
Sir, my problem with salmon is that I cannot seem to distinguish a fresh one from a not so fresh one. The taste kasi is very distinct. Where do you get your salmon? Thank you....Mommy Marie
Dennis Glorioso said…
Thank you Mearhii.....I hope i-reply mo di d2 kung oka ang kinalabasan. If you have other questions just let me know.

Dennis
Dennis Glorioso said…
Ako kasi Mommy Marie sa amoy ko inaalam kung fresh o hindi. Kapag masyadong malansa ang amoy di na fresh yun. Sa Farmers Market sa Cubao ako bumibili basta fresh na isda ang binibili ko.

Thanks po

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE