PEPPER CRUSTED ROAST PORK



May pataniman ng paminta ang pamilya ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas.   Kaya hindi na kami kailangang bumili pa ng paminta at tiyak na may supply ako the whole year round....hehehehe.  Ang kainaman nito, puro ito at walang halong kung ano-ano.   Di ba naman?   Yung mga nabibili minsan sa palengke o supermarket ay walang lasa.   Kata tamang-tama sa mga paborito nating lutuin.

Komo marami ngang paminta dito sa lugar ng aking asawa, dinamihan ko ang lagay nito sa niluto kong roast pork nitong nakaraang araw.   Iba talaga kung puro ang pamintang gagamitin.  Nandun kong flavor at konting kagat o anghang ng paminta.


PEPPER CRUSTED ROAST PORK

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (alisin yung balat ng taba) o American Ribs
1/2 cup Worcestershire Sauce
1/2 cup Barbecue Sauce
1 cup Seven-Up or Sprite
3 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Dinurong na Paminta
2 heads Minced Garlic
1/2 cup Rock Salt

Paraan ng pagluluto:
1.   Tusuk-tusukin ng kutislyo ang paligid ng liempo o ribs.
2.   Paghaluin ang asin at paminta at ikiskis sa paligid ng liempo.
3.   Paghaluin ang worcestershire sauce, barbeque sauce, seven-up, brown sugar at bawang sa isang lalagyan.
4.   Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang liempo o ribs at ang ginawang pang-marinade.   Ibabad ito ng overnight.
5.   Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang isang oras o hanggang sa maluto.

I-slice ito at ihain habang mainit pa na may kasamang steak or barbeque sauce sa side.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
sarap... parang gusto ko yan with gravy!
Anonymous said…
Parang ang sarap nito! Try ko one of these days. Ang hirap lang magluto these days kasi super init talaga...Mommy Marie
Dennis Glorioso said…
Sinabi mo Mommy Marie....Kaya nga kung mapapansin mo mga madadaling dish lang ang mga niluluto ko nitng mga nakaraang araw.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE