CHICKEN AFRITADA with ROSEMARY and SAUSAGES


Mula noong nagsimula ako dito sa food blog na ito, naging mas open ako sa pamamaraan ko ng pagluluto.   Ang ibig kong sabihin, hindi ko nililimita ang paraan ko ng pagluluto sa pamamaraan na nakagisnan na natin.   Hindi lamang sa pamamaraan kundi pati na din sa mga sangkap na gagamitin.   Di ba nga ang adobo nagiiba-iba depende sa lugar kung saan ito niluto?   Ibig sabihin depende ang sangkap na gagamitin sa lugar na kung ano ang mayroon doon.

Dito pumapasok ngayon ang tinatawag na twist sa mga lutuin.  Yun bang naghahalo tayo ng ibang sangkap bukod sa basic na sangkap at yung iba naman ay iniiba ang pamamaraan kung paano lutuin.  Kagaya nitong dish natin for today.   Yes, isang simpleng afritada lang siya.  Pero dahil nilahukan ko pa ito ng herb na rosemary at sinamahan ko din ng malasang klase ng sausages, naging mas masarap at kakaiba ang kinalabasang lasa.   Try nyo din.   Masarap talaga.


CHICKEN AFRITADA with ROSEMARY and SAUSAGES

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into desired size)
1 tetra pack Tomato Sauce or Afritada Sauce
2 pcs. Any Gourmet - Hungarian, Spanish, etc. (sliced)
2 pcs. Potatoes (quatered)
1 pc. Carrot (cut same size as the potato)
1 large Red or Green Bell Pepper
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (Sliced)
1 tsp. Sugar
1 tsp. Dried Rosemary
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.   Hayaang masangkutsa.
2.  Sunod na ilagay ang manok, hiniwang sausages at dried rosemary.   Timplahan na din ng asin at paminta.   Takpan sandali at hayaang masangkutsa.
3.  Ilagay na ang tomato sauce o afritada sauce at asukal.  Takpan muli at hayaan ng mga 5 minuto.
4.  Ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.  Haluin bahagya.  Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE