OATMEAL COATED CHICKEN FINGERS

Minsan ang isang trahedya sa kusina ay nagbubunga pa ng magandang resulta na hindi natin minsan inaasahan.   Madalas na nagiging problema natin ay ang kakulangan ng mga sangkap na kailangan natin halimbawa sa isang putahe.   Kaya dapat maalam tayo sa mga alternatives na pwede nating gamitin.

Kagaya nitong recipe natin for today.   Magluluto sana ako ng chicken fingers kaso naubusan na pala ako ng Japanese breadcrumbs at pati na din harina at cornstarch.   Hindi naman pwede na basta ko na lang ito i-prito at magiging dry ang kakalabsan ng laman ng manok.  Hindi ko naman mai-postpone ang dish na ito komo ito ang naka-schedule sa aking menu.  At dun ko naisip na bakit hindi ko na lang i-coat ang manok sa instant oatmeal na naka-tengga lang sa aming kusina?   Why not?   Sa trigo din naman galing ang harina?  At yun na nga, naging isang masarap at malutong na chicken fingers ang aming pinagsaluhan.   Yummy with your favorite dips.   Try nyo din po.


OATMEAL COATED CHICKEN FINGERS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Skinless Chicken Breast Fillet (cut into strips)
2 cups Instant Oatmeal
1/2 tsp. Lemon Zest
1 tbsp. Lemon Juice
2 pcs. Egg (beaten)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinate ang chicken fillet sa asin, paminta, katas ng lemon, lemon zest at maggie magic sarap.   Hayaan ng 1 oras o higit pa.
2.   Ilubog ang bawat piraso ng chicken fillet sa binating itlog at saka igulong naman sa instant oatmeal hanggang sa ma-coat ang lahat na bahagi nito.   Ilagay muna sa isang lalagyan.
3.   Ilagay muna sa freezer ang chicken fillet para kumapit ang oatmeal breadings sa manok.
4.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maghing golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito ninyong dips.   The best ang pinaghalong mayonaise, peanut butter at konting sesame oil.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
thank you sda recipe..ill gonna try this..thank u.God bless
Dennis Glorioso said…
Thank you anonymous....pakilala ka naman para ma-address kita ng tama. Salamat sa pagbisita at sa patuloy mong pagtangkilik sa food blog kong ito.


Dennis
thank you sa recipe....my daughter just love it..
Dennis Glorioso said…
Nakakatuwa na makabasa ako ng mga comment na kagaya ng sa iyo. Yun bang alam mo na nag-try din sila nung recipe at nagustuhan. Mas lalo tuloy akong ginaganahan na mag-post pa ng iba pang masasarap ng recipe.

Thanks Myhoneybunch


Dennis
Elgie Balbuena said…
maraming salamat po sa recipe...superb...my husband love it......More power to you and Godbless...
Dennis Glorioso said…
Thanks Elgie......sa mga comment na kagaya nitong sa iyo kaya ako nagpapatuloy pa. Maraming salamat.....favor...don't forget to click the ADS ha.....:)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE