CHICKBONES CALDERETA


No.  Hindi calderetang panga ang tinutukoy ko.   Hehehehehe.   Buto-buto o chicken back ito na nabili ko nang napaka-mura sa Magnolia chicken station sa SM Supermarket.   At dahil all time favorite sa food blog kong ito ang Calderetang Buto-buto ng baboy, naisipan kong magluto nito sa chicken version naman.

Na-discover ko ang chicken back na ito nung magluto ako ng pancit molo.   Napansin ko kasi na marami din palang laman itong chicken back na ito at tamang-tama para sa caldereta.   Just imagine, 5 whole chicken back for only P140.   Di ba good deal ito?  At isa pa, masarap talaga sa caldereta ay yung mabuto.  Yun kasi ang nagbibigay ng lasa sa kabuuan ng dish.   Subukan nyo din po.


CHICKBONES CALDERETA

Mga Sangkap:
5 whole pcs. Chicken back
1 tetra pack Tomato Sauce
2 tbsp. Peanut Butter
1 small can Liver Spread
2 pcs. Potatoes (quatered)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce (or more if you want it more spicy)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin.
2.  Ilagay na agad ang hiniwang chicken back bones at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce.  Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4.   Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang liver spread, chilli-garlic sauce at peanut butter.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


NOTE:   Paki-click naman po ng mga ADS kung naibigan nyo ang post kong ito.   Salamat po

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE