INANG LINA'S PORK PICADILLO


Nagiisip ako isang araw ng mga ulam na ipinapakain sa amin noong bata pa kami ng namayapa kong Inang Lina.   Natatandaan ko basta Linggo ay karne ang aming inuulam.   Pumupunta pa kami sa kabilang baryo para bumili lang ng karne ng baboy na bagong katay.

Isa sa paborito kong niluluto niya ay itong picadillo.   Karne ng baka ang ginagamit niya dito pero komo may kamahalan ang karen ng baka, ginawa ko na lang ang pork version.

Actually, para lang din siyang sinigang.   Ang pagkakaiba lang nito ay maliliit ang hiwa ng karne at mga gulay.   Pero nang-i-check ko sa net ang picadillo, para pala itong ginisang giniling na baboy o baka na may sabaw din at may hiniwang maliliit na gulay pero tomato sauce ang nakahalo at hindi parang sinigang.

Pero kahit ano pa man.  Basta picadillo ang tawag namin dyan nung araw.  Hehehehe.   At habang kinakain ko ang pork picadillong ito, na-miss ko bigla ang aking Inang Lina. :(


INANG LINA'S PORK PICADILLO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim (cut into small cubes)
1 sachet Sinigang Mix
1 tali Sitaw (hiwain ng mga 1/2 inch ang haba)
1 pc. Labanos (hiwain ng pa-cubes na maliliit din)
2 tali Sigarilyas (hiwain ng mga 1/2 inch ang haba)
2 pcs. Kamatis (sliced)
1 large Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2.   Ilagay na agad ang hiniwang karne ng baboy at timplahan ng asin.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Lagyan ng nais na dami ng tubig para sa sabaw at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.
4.  Ilagay na ang mga gulay.   Takpan muli at hayaang maluto.
5.   Timplahan na ng sinigang mix at maggie magic sarap.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE