OUR 2014 NEW YEARS COUNTDOWN PARTY

Bukas January 3 na lang ako magpo-post ng recipe.   Alam kong umay na umay pa kayo sa masasarap na pagkaing pinagsaluhan ninyo sa nakaraang Media Noche.   Kahit ako, parang busog na busog pa din kaya nag-prutas na lang ako para sa aking lunch today.

Ngayon, hayaan nyo na lang akong i-share ang naganap na New Years Countdown Party ng aming pamilya sa Bocaue Bulacan.

Yes.   Matagal na naming ginagawa ang party na ito.   Mga bata pa lang kami ay ginagawa na namin ito habang hinihintay ang pag-pasok ng Bagong Taon.    At para di nga makatulg ang mga bata, nagkakaroon kami ng programa at mga palaro.

This year, ang mga kabataan kong pinsan at mga pamangkin ang nag-organize ng party.  Alternate kasi, ang mga kabataan at last last year nga ay ang mga katandaan naman.

Para sa taong ito, nag-simba muna ang marami bago sinimulan ang party.   At pagkatapos noon ay nagsimula agad sa pamamagitan ng isang masaganang hapunan.

May halabos na hipon sa bawang at butter.

Meron ding mixed vegetables na may itlog ng pugo at atay ng manok.

Steamed Lapu-lapu na una talagang naubos kaya ito na lang ang nakuhanan ko ng picture.   Hehehehe

Beef Broccoli na nagustuhan ko talaga ang lasa at sarap.

Ang ang hiling ng marami na gawin ko ang Crab Salad Spring Roll.

Meron ding Lechon Liempo at Lechong  Manok na medyo na-late ng dating.  hehehehe

For the dessert, merong fruit salad, bibingkang malagkit, leche plan, at saring-saring minatamis.

Pagkatapos ng masaganang kainan at nagkaroon ng picture-an ng bawat pamilya at kasunod nito ay ang mga palaro na aking inihanda.   May mga raffle prizes din na ipinamigay sa mga masuswerteng nabunot.

Around 10:30pm ay natapos ang mga palaro at ang tradisyunal na exchange gift naman ang aking isinunod.

At habang hinihintay ang pagsapit ng Bagong Taon, may mga barbeque naman na nag-aabang at mga inumin para sa lahat.

Masaya ang lahat habang sinasaksihan namin ang mga fireworks display na nakikita namin sa paligid.

Masaya sinalubong ng aming pamilya ang 2014 na may bagong pag-asa.

Dalangin ko na sana ay magpatuloy ang mga ganitong gawain para sa aming pamilya.   Maghari nawa ang pagmamahalan at pagbibigayan sa bawat isa.   At sana, sa susunod na pagsalubong sa bagong taon ay buo pa rin kami at nagkakaisa.

AMEN

MASAGANANG BAGONG TAON SA LAHAT!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE