PORK NUGGETS ala DENNIS

Marami sa mga dish na pino-post ko sa blog kong ito ay mga dish na nakopya ko din sa mga food blog na lagi kong binibisita.   Ofcourse nilalagyan ko din ng twist para naman mas ma-improve pa ito.

Kagaya nitong dish natin for today.   Nagaya ko ito sa paborito kong food blog ang www.casaveneracion.com.   May special sauce din siya na ginawa dun pero ako sweet chili sauce lang ang inilagay ko.

May natikman na din akong ganito sa isang Chinese restaurant.  Yun lang mas maliliit ang cut noon at hindi ko lang ma-recall yung sauce na ginamit.

Nuggets din ang itinawag ko dito komo para naman siya talagang nuggets pag naluto na.   Masarap ito at panigurado kong magugustuhan din ito ng inyong mga anak at mahal sa buhay.   Try nyo din po.


PORK NUGGETS ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang taba at walang buto.)
1 pc. Onion (sliced)
1 tsp. 5 Spice Powder
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
For the breadings:
1 cup All Purpose flour
1 cup Japanese Breadcrumbs
1 pc. Fresh Egg (beaten)
Others:
Cooking oil for frying
Sweet Chili Sauce

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola pakuluan ang liempo sa tubig na may sibuyas, bawang, 5 spice powder, asin at paminta hanggang sa lumambot.   Palamigin.
2.   Hiwain ang nilutong liempo nang pa-cube o sa nais na laki.
3.   Ilubog ang bawat piraso sa binating itlog...pagkatapos ay sa harina naman...ilubog muli sa binating itlog...at sa Japanese breadcrumbs naman.   Ilagay muna sa isang lalagyan.
4.   Sa isang kawali o heavy bottom na kaserola magpakulo ng mantika.   Mga 1 inch ang lalim nito.
5.   I-prito ang liempo na nilagyan ng breadings hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain na may kasamang sweet chilli sauce o catsup.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy